Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Wanted na misis, arestado sa Navotas

ARESTADO ang isang misis matapos matyempuhan ng pulisya dala ang  warrant of arrest sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas  City police chief Col. Dexter Ollaging ang nadakip bilang si Doris Dail, 41-anyos, residente ng Block 1 Phase 1-C, Bangus St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS)  Kaunlaran ng nasabing lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar.

Bumuo ng team ang WSS, dakong 3:10 ng hapon, kasama ang Navotas Police Sub-Station 4 saka isinagawa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay.

Si Dail ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marisa M. Buenagua, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 90, Parañaque City para sa kasong paglabag sa Art. 315 (1)(B), RPC AS AMENDED BY RA 10951 or Estafa.

Ani PSSg Renato M Panganiban Jr, ang inarestong akausado ay nasa ilalim ng kustodiya ng Navotas City Police habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …