Sunday , December 22 2024

7 illegal E-sabong, naipasara na — DILG

Naipasara na ang pitong e-sabong websites na ilegal na nag-o-operate, matapos ipag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG)  Secretary Eduardo Año ang crakdown laban dito.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, iniimbestigahan na rin ngayon ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group kung sinu-sino ang mga administrators ng mga nasabing websites upang masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

“These criminals thrive on the anonymity of the internet and they are taking advantage of this but the PNP together with our colleagues from the National Bureau of Investigation will not rest until they have been unmasked,” ayon kay Malaya sa isang panayam.

Sinabi ni Malaya na nagsasagawa na rin ang PNP ng cyberpatrolling operations upang matunton ang iba pang websites, applications, at social media platforms na ilegal na nag-o-operate sa kabila nang direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte.

“Another 12 websites and 8 social media platforms were monitored by the PNP Anti-CyberCrime Group to be operating illegally and we are coordinating with the Department of Information and Communication Technology (DICT) for these websites to be shut down,” aniya.

Sa nasabing 12 websites, dalawa lamang umano ang rehistrado sa Pilipinas habang ang iba pa ang matatagpuan sa ibang bansa.

May nadiskubre rin aniya silang ilang Facebook pages at mga grupo na nagpu-promote ng e-sabong at siyang magbibigay ng link, kung magpapadala ka ng mensahe sa kanila.

“Once you open the link, you will be able to register and create an account to log-in,” ani Malaya.

Napakadali rin aniya maging sa isang menor de edad na makapagrehistro at malayang magkaroon ng access sa naturang websites.

Kaugnay nito, sinabi ni Malaya na hiniling na nila sa Meta, ang parent company ng Facebook, na agad na burahin o suspindihin ang mga naturang FB pages na devoted sa e-sabong.

Dahil ang mode of payment at cash-out aniya ay sa pamamagitan ng GCash at iba pang platforms, makikipag-ugnayan na rin sila sa Globe at hihingi ng tulong upang matigil ang paggamit ng kanilang platform sa illegal purposes.

Ani Malaya, ang mga naturang illegal e-sabong outfits ay nag-o-operate ng walang lisensiya o prangkisa mula sa national o local governments at hindi nagre-remit ni pisong kita sa pamahalaan.

Humingi rin ng tulong si Malaya sa publiko na tulungan silang matigil na ang naturang illegal operations. “We urge the public to immediately contact your nearest police station if you know where the studios of these illegal e-Sabong operations are so we can put a stop to it. If you also know who the operators are, please contact your nearest police station or CIDG office.”

Nanawagan rin siya sa publiko na huwag tangkilikin ang mga naturang illegal sabong at nagbabala na dahil ilegal ang operasyon ng mga ito ay hindi sila nakasisiguro kung nagkakaroon ba ng dayaan at kung mababayaran ba sila sakaling palaring manalo. (Almar Danguilan)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …