Friday , May 9 2025
Ramon Fernandez SEA games

PH squad nirepresenta ni Mon Fernandez  sa Viet SEA Games closing rites

HANOI – Tunay sa kanyang binitawang salita bilang ‘last man standing’,  nagpaiwan si national team chef de mission Ramon Fernandez para irepresenta ang Philippine delegation nung Lunes para sa ‘closing rites’ ng 31st Vietnam Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium.   Halos lahat ng PH team members ay nakauwi  na sa bansa.   

Sinamahan si Fernandez ng kanyang deputies na sina Carl Sambrano at Pear Manguelod ng rollersports at muay thai, ayon sa pagkakasunod, sa pagtitipon ng  mga atleta na isasara ni Vietnam Sports, Culture and Tourism Minister Nguyen Van Hung.  Naroon din sa event ang Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, na siyang aapula sa Games Flame, habang ibinababa ang kurtina ng 31st edition ng biennial sports na lumarga sa Vietnamese capital at kalapit na probinsiya.

Ang Southeast Asian Games Federation flag ay ibababa at ipapasa sa representantante ng Cambodia na siyang magiging susunod na host ng 32nd SEA Games sa Cambodian capital na Phnom Penh sa May 2023.

Ang regional meet ay dapat lumarga nung nakaraang Nobyembre pero na-delayed nang anim na buwan dahil sa panganib ng Covid-19 na sumagasa sa rehiyon.  Lubos ding naapektuhan ang kampanya ng Pilipinas dahil sa virus kaya  lumalaylay ang ating kampanya na may 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals, ayon kay Fernandez.

Gaya nang inaasahan, ang Vietnam ay lumarga nang husto sa unahan sa overall honors na may 205 gold, 125 silver, at 116 bronze medals, pangalawa ang Thailand na may 92-103-136 at third ang Indonesia na may 69-91-81.

 “We finished fourth place among 11 brother-countries in the region. This is our best finish since 1983 ( in the Singapore SEA Games when we placed second to Indonesia) in a SEA Games event outside the Philippines,” pahayag ni Fernandez.  “As Chef de Mission, I am truly very proud of this feat! Just as I thank my Philippine Sports Commission family headed by Chairman William Ramirez for their all-out support,” dagdag pa ng  PSC commissioner. 

“To Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, maraming salamat po for giving me the honor to head the delegation. To my deputy CDMs Pearl Managuelod and Carl Sambrano and to everyone who contributed one way or the other, daghang salamat,” pahayag ni Fernandez. “This was an enlightening and educational experience for yours truly. We fought as one and won as one! Mabuhay ang atletang Pilipino!”

Isa sa huling trabaho bilang head ng Philippine delegation, ang PSC official ay dumalo sa final CDM meeting nung nakaraang araw na nagpasalamat si Cambodian CDM Soksival Nhan sa Vietnamese organizers para sa  ipinakita at ipinadama nilang mainit na hospitalidad sa pagpapatakbo ng Games.  “Nhan extended his personal invitation in welcoming all of the other 10 participating countries to the 32nd SEA Games in Phnom Pehn next year,” sabi ni Fernandez,  dagdag pa niya na mananatili pa rin siya sa Hanoi hanggang sa araw na iyon para masiguro na ang lahat ng PH team members ay ligtas na nakauwi sa ‘Pinas bago pa siya sumakay sa eroplano pabalik sa Manila.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …