Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Canlas Kokoy de Santos gameboy2

Elijah gustong ‘magka-anak’ sila ni Kokoy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRANG na-enjoy ng fans gayundin ng entertainment press at nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ang isinagawang livestream sa Facebook page at Youtube channel ng The IdeaFirst Company para sa kanilangGameboys Season 2.

Panay kasi ang biruan nina Elijah at Kokoy at marami rin ang nagsasabing sweet ang mga ito.

At dahil nasa season 2 na ang Gameboys may nagtanong sa kanila kung ano pa ang gusto nilang i-explore in terms of story line and characterization kapag nabigyang pagkakataong magkaroon ng Gameboys 3

Ani Elijah, “I-manifest na natin, na magkakaroon ng season 3. Sana siguro next level na ng relationship. Na-try na natin sa video call, long distance. Na-try na rin natin ‘yung in the flesh na magkasama sila sa bahay with the rest of the Gameboys gang. 

“Maganda na may anak na tayo. Lima. Lima ha ha ha,” biro ni Elijah kay Kokoy at saka parang nagharutan

“Ako sa akin lamang naman baka pwedeng matuloy sa ibang lugar, masarap ‘yun,” susog naman ni Kokoy.

“Saan kaya, sa Japan? tanong ni Elijah.

“Sa Baguio? pero hindi seryoso nga, sa Japan, New York,” paglilinaw ni Kokoy

“Kahit saan basta kasama,” giit ni Elijah na ikinakilig ng mga manonood gayundin ng nagsilbing host na si Adrianna So.

Isinunod namang itinanong sa dalawa kung ano ang favorite part ng kanilang acting sa naunang Gameboys.

“Wow! Magiging acting critic na tayo ngayon,” natatawang komento ng dalawa. 

“Acting style, ako I really…sobrang bilib ako kay Kokoy,” ani Elijah. “I mean, una pa lang, Gameboys Season 1 pa lang parang I know I had to step up in game kasi si Kokoy napaka-natural na aktor at nakikinig talaga siya. Ramdam ko na nakikinig talaga siya kasi ang dami niyang adlib. 

“You have to be in your toes all the time with Kokoy kasi ang dami niyang ibang adlib. So, kailangan sasagutin mo rin ang adlib niya. Tapos ang saya-saya kaeksena,” sambit pa ni Elijah.

Okey ka na?” balik na tanong naman ni Kokoy kay Elijah. “Hiyang-hiya naman ako sa Gawad Urian ha haha.(Ang tinutukoy ni Kokoy ay ang pagwawagi bilang Best Actor ni Elijah sa Gawad Urian noong 2020 para sa pelikulang Kalel, 15). 

“Wala, wala akong masabi kay Elijah,” sabi pa ni Kokoy sabay hila kay Elijah at sinabing, “Idol pa kiss naman, pa kiss naman.”

Sa kabilang banda mas maraming sorpresang mapapanood ang mga tao sa Gameboys 2 na hindi pa nila napanood sa season one gayundin sa Gameboys The Movie.

Mas matured na Cairo at Gavreel, karakter nina Elijah at Kokoy ang mapapanood sa Gameboys.

Bukod sa Gameboys 2, may dagdag sorpresa rin sa fans sina Elijah at Kokoy sa paglabas ng Gameboys Gameboxna mabibili online sa theideafirststore.com. Naglalaman ito ng season pass sa KTX.ph para sa buong season ng Gameboys 2, special blueray copy ng Gameboys 1 na inorder pa sa Japan, plus surprise Gameboys items at collectibles.

Ang Gameboys 2 ay idinirehe ni Ivan Andrew Payawal at mapapanood via KTX at Vivamax Plus. Every week dalawang episodes ang handog ng The IdeaFirst Company. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …