Sunday , December 22 2024
Carlito Galvez Jr

Galvez Covid-19 Positive

NAGPOSITIBO sa CoVid-19 si National Task Force Against Covid-19 chief Carlito Galvez, Jr., kahapon kaya’t humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga nakasalamuha sa nakalipas na isang linggo dahil kailangan nilang obserbahan ang kanilang mga sarili at sumailalim sa CoVid-19 test.

“I wish to inform our countrymen that I have tested positive for CoVid-19 after undergoing my weekly RT-PCR test on Sunday, May 22,” sabi ni Galvez sa isang kalatas kahapon.

“I would like to apologize to the people whom I have come in contact with over the last 5-7 days. I encourage them to have themselves tested and observe their health conditions,” dagdag niya.

May mild symptoms si Galvez ngunit hindi nababahala dahil siya at kanyang buong pamilya ay fully vaccinated at may booster shot din pero lahat sila’y nasa isolation.

“While I am under isolation, I will continue to monitor the country’s peace processes and vaccination efforts,” aniya.

Hinimok niya ang mga hindi pa bakunado na magpaturok na ng CoVid-19 vaccine at ang mga nakakuha na ng first at second ay magpa-booster shot na rin. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …