PINANGUNAHAN ni Mayor Rex Gatchalian at Deputy Speaker Wes Gatchalian ang opisyal na pagbubukas ng ika-24 Sentro ng Sama-samang Serbisyo o 3S Center sa Barangay Tagalag kasabay ng isinagawang inagurasyon nito.
Ang 24th Sentro ng Sama-samang Serbisyo ay isang two-storey building na may mga pasilidad na binubo ng Barangay Hall, Health Station, Daycare Center, ALS (Alternative Learning System) Center, Sangguniang Kabataan (SK) Office, at Multi-Purpose Hall.
“Ito na lang po ang challenge, dapat kung ano ang kagandahan ng ating mga gusaling itinayo, gayundin ang kagandahan sa serbisyong ibibigay natin sa taong-bayan. Dapat efficient, dapat maayos,” mensahe ni deputy speaker Gatchalian.
“Ang layunin ng 3S Centers natin, ilapit sa inyo ang serbisyo. Bukod sa ilapit, gusto natin One-Stop Shop, ‘yung tipong pagpunta n’yo, andiyan na ‘yung health center, daycare, andiyan na lahat ng kailangan ninyo,” pahayag ni Mayor Rex.
Ang unang 3S Center ay pinasinayaan noong 2014 sa Barangay Poblacion. Ito ay mga pinagsama-samang pasilidad na naglalayong itaguyod ang pamamahala na bukas sa mga tao at para sa mga serbisyo ng lungsod na mas mapalapit sa komunidad.
Kasamang dumalo sa inagurasyon si Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Councilor Ricar Enriquez, Liga ng mga Barangay President Councilor Jon Jon Bartolome, SK Federation President Councilor Goyong Serrano, Tagalag Punong Barangay Obet Geronimo, Council and SK Chairman Arcee Dayego and Council. (ROMMEL SALES)