Saturday , November 16 2024

P33.00, hindi nakabibili ng corned beef

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MAGKAKANO na ba ang isang de latang sardinas ngayon? Depende sa sardinas iyan pero simula nang tumaas ang presyo o SRP nito nitong nakaraang linggo makaraang aprobahan ng Department of Trade and Industry (DTI), kung hindi ako nagkakamali, ang pinakamurang sardinas ngayon ay P19.00 hanggang P20.00.

Ganoon ba? Well and good dahil may sukli pa ang isang manggagawa para makabili ng misua. Masarap yata iyan, sardinas con misua.

Oo, may sukli pang P13.00 ang isang manggagawa sa dagdag na suweldo niyang P33.00 kada araw sa kanyang minimum wage na kamakailan lamang ay inaprobahan ng Regional Tripartite wages and Productivity Boards (RTWPB). 

Ops, linawin natin ha, hindi po nationwide ang dagdag P33.00 kung hindi para lamang ito sa mga manggagawa sa Metro Manila. Bale magiging P570 na ang minimum wage sa oras na maimplementa makaraan ang 16-araw na mailathala ito sa mga pahayagan.

E ba’t ganoon? Paano naman ang mga manggagawa sa mga probinsiya, hindi ba tumaas ang SRP ng mga sardinas o ibang de lata sa kani-kanilang lalawigan? Katunayan ay mas mahal pa ang bilihin sa lalawigan kaysa Metro Manila dahil ang mga produktong delata o ang produktong nakasama sa price increase ay nanggagaling pa sa Metro Manila. Narito kasi ang karamihan sa malalaking pagawaan ng iba’t ibang delata.

Mas nagiging mahal ang mga delata sa probinsiya dahil ibinibiyahe pa ito — mulang Metro Manila ay idinadagdag sa presyo ang krudo. E magkano na ang mga produktong petrolyo ngayon?

Kawawang mga manggagawa sa mga probinsiya, laging kinakalimutan o kinakawawa ng gobyerno. Kaya hindi na nakapagtataka kung marami ang sinasabing nakikipagsapalaran sa Metro Manila pero kung sana’y ikonsidera ng pamahalaan lalo ang mga taga-RTWPB ang totoong sitwasyon ng mga manggagawang probinsiya ay hindi na makikipagsaparalan ang marami sa Kamaynilaan n inakala’y isang paraiso.

Ipagpalagay natin na isinabay na rin ang dagdag na P13.00 sa mga manggagawa sa probinsiya, sapat pa rin ba ang hakbanging ito? Malinaw na hindi pa rin, isa pa ring panloloko ito sa mga manggagawang probinsiya dahil ang nararapat ay pantay-pantay ang minimum wage — maprobinsiya man o mapa-Metro Manila. Tulad ng una natin nabanggit, mas mahal pa ang bilihin sa probinsiya kaysa Metro Manila maliban siguro sa ilang gulay o produktong agrikultural.

Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi ikinatutuwa ng mga manggagawa ang dagdag na P33.00. Aba’y sino naman ang matutuwa sa P13.00 na ito? Wala, lalo sa sobrang mahal ng mga bilihin ngayon. Kahit nga isang de latang corned beef para medyo masarap-sarap naman at hindi laging sardinas ay hindi nakabibili ang P33.00. Meron siguro pero iyong pinakamaliit na corned beef 25 grams.

E ang tanong, magkakasya ba ang isang 25 grams na corned beef sa isang pamilya? Hindi naman lingid sa kaalaman natin na karamihang bilang ng miyembro ng isang pamilyang Pinoy ay binubuo ng lima katao.

So, paano nga naman magkakasya ang 25 gramong pinaka-ordinaryong corned beef?

Nawa’y magising sa katotohanan ang pamahalaan — mabuti pa silang mga nakaupo sa trono lalo ang mga magnanakaw (karamihan pa naman sa kanila) – ang lahat na bilihin nila o maging ang pamamasyal ng pamilya ay naka-charge sa opisina.

Kulang ang P33.00 dagdag sa minimum wage, at sana’y huwag lamang sa mga manggagawang Metro Manila ipadama ito, at sa halip ay nationwide bukod sa gawing patas ang lahat – kung ano ang minimum sa Metro Manila, nararapat na ganoon din sa probinsiya.

Tandaan, kahit siguro ordinardyong corned beef ay hindi nakabibili ang P33.00.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …