Sunday , December 22 2024

Taas presyo sa de-lata, gatas, asin atbp, hamon sa BBM admin

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

INAASAHAN sa buwan ng Hulyo o mga kasunod na buwan ay magiging P20.00 ang kada kilo ng bigas… maaaring ang pinakaordinaryong bigas siguro.

Sa ngayon nakabibili ako ng P28.00 kada kilo. Maalsa naman pero manila-nilaw at in fairness, hindi naman maamoy. Kaya mura, ito kasi iyong mga palay na inabutan ng bagyo o nalubog sa baha raw.

Nitong nagdaang halalan, isa sa ipinangako ng susunod na pangulo ng bansa, president-elect Ferdinand R. Marcos, Jr., na gagawin niyang P20.00 kada kilo ng bigas.

Aba’y napakalaking tulong nito, kung sakaling magkatototoo, lamang, paano naman mga magsasaka natin? Kasi kung magiging P20.00 kada kilo ng bigas, e ‘di magkano na ang bilihan ng palay sa mga magsasaka? P5.00 kada kilo? Tsk tsk… patay.

Well, for the benefits of the doubt, hayaan muna natin kung paano ito didiskartehin ng susunod na administrasyon.

Pero bago pa man, marami nang negatibong komento hinggil sa isyu, napakalabo daw mangyari ang P20.00 kada kilo.

Wait na lang muna natin kung ano ang diskarteng gagawin ni BBM…

Ano pa man, hindi pa man nakauupo si BBM at ginagawan pa rin nila ng paraan kung maipatupad ang P20.00 kada kilo ng bigas, sinalubong na ng malaking hamon ang bagong administrasyon.

Itinutuloy natin ang bad news ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong nakaraang linggo — maraming nagtaasang presyo ng bilihin. Isa nga rito iyong dating abot kaya na de-latang isda — ang sardinas.

Ngayon, hirap nang bilhin ito. Akalain mo P18.00 – P20.00 na ang presyo, e ilang gramo lang ito o ilang pirasong isda lang ang laman nito. Kulang na sa isang maliit na pamilya na sinasabing poorest among poorest.

E tumaas last week ang presyo, so magkano na ang sardinas ngayon? Mabuti sana kung, kasabay nito ang pagtaas ng suweldo o minimum wage pero hindi naman.

Hindi lamang ang sardinas ang tumaas kung hindi maging ang asin. Naku po! Huwag nang mag-asin para safe sa kidney. Tama!

Opo, inaprobahan ng DTI nitong 11 Mayo ang pagtaas ng presyo (SRPs) ng sardinas, instant noodles, asin, corned beef, panlabang sabon, kape, battery, at iba pa.

Paano kaya kahaharapin ni BBM ang hamon na ito sa kanyang administrasyon? Subsidiyang cash ulit ang kasagutan tulad ng ginagawa ng mga nagdaang administrasyon?

Walang masama sa cash subsidies pero, sapat na solusyon ba ito sa kahirapan ng mas maraming pamilyang Pinoy? Isa lamang itong band-id solution.

Nawa’y magawan ito ng solusyon ng kampo ni BBM katulong ang kanyang economic team – permanenteng solusyon. Ang ibigay ang kahilingan ng milyon-milyong manggagawa — taasan ang minium wage, hindi lang sa Metro Manila kung hindi nationwide.

Katunayan, dapat din ikonsidera ng Marcos Jr., admin na ipareho na rin ang minimum wage sa mga probinsiya sa Metro Manila. Sa totoo lang mas maraming pangunahing bilihin sa probinsiya ang mas mahal kaysa Metro Manila.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na mas mahal pa ang produktong pertrolyo sa probinsiya kaysa Metro Manila.

Kaya, sana ay gawan ito ng tamang solusyon ng BBM admin. Hindi band-aid solution kung hindi iyong permanente. Isa nga rito ay salary increase nationwide at iparehas ang suweldo ng mga taga-probinsiya sa sahod sa Metro Manila.

Kaya abangan na lang natin, kung paano haharapin ng bagong administrasyon ang malaking hamon na isinalubong sa kanila. Isa sa solusyon, pikit-matang aprobahan ang matagal nang kahilingan ng mga manggagawa — ang taas sahod nationwide at pantay na minimum wage mapa-probinsiya o sa Metro Manila man.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …