Friday , November 15 2024
Dead body, feet

Sariling katawan isinalaksak
BIYUDONG NALULUMBAY SA ASAWANG PUMANAW PATAY SA BAKOD NA BAKAL

WALANG BUHAY nang matagpuan ang 49-anyos biyudo na hinihinalang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagsalaksak sa kanyang katawan sa bakod na may patusok na bakal ng isang tahanan sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Ritchie Joseph Castro Dy, 49, biyudo, tubong San Carlos, Pangasinan at residente sa Apollo Drive, Maries Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.  

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 5:42 am nitong Lunes, 16 Mayo, natagpuan ang bangkay ng biktima sa harapan ng tahanan sa Villanova Avenue, Villanova Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Sa imbestigasyon ni Pat. Nestor Ariz, Jr., ang bangkay ng biktima ay naispatan ng tanod na si Ronnie Rueda, sakay ng motorsiklo sa lugar.

Nang alamin ng mga awtoridad sa naka-install na CCTV, nakitang pilit na isinasaksak ng biktima ang kanyang katawan sa bakal na bakod ng bahay bandang 7:30 pm nitong Linggo, 15 Mayo.

Nang siyasatin ng mga awtoridad nadiskubreng may bahid ng dugo ang dulong patusok ng mga bakal sa bakod.

Ayon sa saksi, kinilalang alyas Reydan, nakita niya ang halos nakabaluktot na katawan ni Dy sa ibabaw ng bakod pero hindi na niya ito pinigilan pa nang sabihin sa kaniya ng kapatid na babae baka sumusuka ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit na pinamumunuan ni P/Maj. Joseph Infante, ang biktima ay maraming malalalim na sugat sa katawan.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung aksidente o sadyang nagpakamatay ang biktima sa nakod na may patusok na bakal ng tahanan sa nasabing lugar.

Nabatid sa tiyuhing si Josefin Castro, nitong nakaraang Sabado, 14 May, nagtangkang magpakamatay ang biktima nang tumalon sa riles ng LRT Station pero agad nailigtas ng mga guwardiya.

Nagsimula umanong naging malungkutin at palaging umiinom ng alak ang biktima nang mamatay ang asawa nito noong nakaraang taon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …