Monday , December 23 2024

 ‘Reyna ng Vloggers’ next PCOO chief

ni ROSE NOVENARIO              

IT’S payback time.

Isang sikat na vlogger at abogado ang sinabing itatalagang susunod na kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Nabatid sa isang impormante, kursunada ng kampo ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr., na maging miyembro ng kanyang gabinete bilang press secretary o PCOO chief si Atty. Trixie Angeles.

Ito ay bilang pagkilala sa naiambag ni Angeles sa kampanya ni Marcos Jr., sa social media.

Si Angeles ay nagsilbing consultant ng vlogger na si Mocha Uson nang siya’y assistant secretary ng PCOO.

Naging bahagi rin siya ng Duterte Diehard Supporters (DDS) kasama nina Uson, at RJ Nieto a.k.a. Thinking Pinoy.

Pero nitong 2022 elections, si Uson ay sumuporta sa presidential bid ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso habang sina Angeles at Nieto ay kay Marcos, Jr.

Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ni Marcos Jr. na ikokonsidera ang vloggers bilang bahagi ng mainstream media sa panahon ng kanilang administrasyon.

“Number one, we have to find out first ano ‘yung existing protocol, ano ‘yung regulasyon na umiiral, but ‘yung vloggers hindi na natin sila puwedeng hindi

i-consider na mainstream, nagbago na rin ‘yun pati the way we conduct ‘yung reporting and even the traditional brick mortar media resorted to the use of social media, the vloggers so titingnan natin ‘yan if they also have the right to be reporting what is happening, to be state of our nation at malaman din ng sambayanan thru other platforms kung ano ‘yun nga dapat maibalita at kung ano naman ‘yung tugon ng pamahalaan,” ani Rodriguez sa panayam ng programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

Itinanggi ni Rodriguez ang kumalat na balitang nagsagawa ng exclusive victory party si Marcos Jr., sa isla ng Amanpulo sa Palawan.

“Walang ganoong victory celebration and you know si president-elect Bongbong is an Ilocano not unless meron siyang surprise na ganon para sa ‘min pero wala, malayo iyon at ito ay gawa-gawa lang no’ng mga iresponsableng nagpo-post sa kanilang social media na malisyoso ‘yung pagpo-post,” giit ni Rodriguez.

Hinamon niya na maglabas ng ebidensiya ang nag-akusang may victory party, gaya ng resibo o booking sa Amanpulo.

“Katatapos lang ng kampanya, ng election, kung meron kayong pinanghahawakan for example proof of payment or booking sino nagpa-book or larawan e ‘di by all means i-post ninyo at you will get a reply from me but kung ito ay alegasyon lang ng kung sino, siguro ang tamang taong tanungin ninyo e ‘yung taong nag-post niyan,” dagdag niya.

Inamin ni Rodriguez, may inisyal na pakikipag-usap sila kay retired UP professor Clarita Carlos ngunit hindi niya maisisiwalat ang kanilang tinalakay.

Napaulat na nais iluklok ni Marcos, Jr., bilang Foreign Affairs Secretary si Carlos.

Ayon kay Rodriguez, karamihan sa nais nilang anyayahang maging miyembro ng gabinete ay mula sa pribadong sektor.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …