Friday , November 15 2024

PCGG walang silbi sa Marcos admin

ni ROSE NOVENARIO

051622 Hataw Frontpage

NANGANGAMBA ang isang dating opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na hindi mababawi a ang mga ‘nakaw na yaman’ ng mga Marcos dahil sa pagbabalik sa Malacañang ng pamilya ng tinaguriang ‘Diktador.’

“Ang pangunahing layunin ng PCGG ay hanapin at ibalik ang mga nakaw na yaman ng mga Marcos at mga crony pero iyong presidential commission ngayon ay magre-report sa isang Marcos , e di for all intents and purposes , wala na ‘yan,” ayon kay dating PCGG chairman at dating Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista sa panayam ng CNN kahapon.

Ang pahayag ni Bautista ay kaugnay sa nakita sa bahay ni dating First Lady Imelda Marcos, ang nawawalang obra ni Spanish painter Pablo Picasso na Reclining Woman Number 6.

Ang painting na nagkakahalaga ng P8 bilyon ay isa sa 350 paintings na ipinababawi sa pamilya Marcos.

“Ako mismo nakita ko ‘yang painting na ‘yan kasi nang binisita namin si dating Unang Ginang Imelda Marcos, pumunta kami sa kanyang condominium sa Pacific Plaza ‘yung Unit 34-B at kasama ko noon si Commissioner Richard Amurao. Nakita nga namin ‘yang Picasso na ‘yan,” ani Bautista.

Nag-apply aniya ang PCGG ng writ of attachment mula sa Sandiganbayan at nagpunta ang mga sheriff sa mga bahay at opisina ng mga Marcos noong 2014 at nabisto nilang gumagawa ng mga kopya ang mga Marcos ng mga orihinal na painting gaya ng Madonna and Child.

“Gumagawa sila ng mga kopya, no’ng nag-raid ang mga sheriff, nakakita sila ng tatlong kopya ng Madonna and Child so talagang parang mga ano lang, sinasabit nila kung saan, ewan ko lang kung in order to protect the original,” sabi ni Bautista.

Kaugnay nito, kumasa si Bautista sa hamon ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na pinababalik siya sa Filipinas para harapin umano ang mga isyu kaugnay sa 2016 elections noong siya ang Comelec chairman.

“Ang akala ko ang nawawalang Picasso ang pinag-uusapan. Mahalaga ang painting na ‘yan! Pero kung change topic na sa halalan puwede rin. Ipahambing kaya ng mga dalubhasa ang pamamalakad sa 2022 at 2016? Sama na rin ang 2019,” ani Bautista.

Matatandaan, tatlong beses humiling ng recount si Marcos, Jr., nang matalo siya sa vice presidential elections noong 2016 at nagpasya ang Korte Suprema na lehitimo ang panalo ni Vice President Leni Robredo.

Sa 2022 presidential elections campaign ni Marcos, Jr., ay iginiit pa rin ng kanyang kampo na dinaya sila noong 2016 polls.

About Rose Novenario

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …