Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Pagtutulak ginawang sideline,
SEKYU TIMBOG, 7 PA NASAKOTE SA ILEGAL NA DROGA

ARESTADO ang isang security guard na nahuling ginagawang sideline ang pagtutulak ng ilegal na droga kabilang ang pitong iba pang drug suspects sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 11 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nagsagsawa ng drug buy bust operation ang mga tauhan ng Pandi MPS na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Erwin Macapagal, 38 anyos, security guard, at residente sa Brgy. Real De Cacarong, Pandi.

Napag-alamang sideline ng suspek ang pagtutulak habang security guard at kahit naka-duty ay nakapagbebenta ng shabu sa kaniyang mga kliyente.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at isang handgun replica.

Nakatdakdang sampahan ang suspek ng nga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002, at paglabag sa gun ban kaugnay ng Omnibus Election Code.

Nagresulta ang serye ng drug sting operations ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng mga police stations ng San Jose Del Monte, Marilao, at Malolos sa pagkakasukol sa pitong personalidad sa droga.

Kinilala ang mga nsakoteng suspek na sina Masahiro Bress ng Brgy. Mulawin, Katrina Del Castillo ng Brgy. Guijo, Jonna Sabile ng Brgy. Narra, at Armand Buiza ng Brgy. Gumaoc West, pawang sa San Jose del Monte; David Darren Omaña ng Brgy. Malhacan, Meycauayan; Kent Henson Mudlong ng Brgy. Abangan Sur, Marilao; Bulacan; at Nicko Quetua ng Brgy. Sumapang Bata, Malolos.

Nakuha sa mga suspek ang gagamiting ebidensiya na kabuuang 13 pakete ng hinihinalang shabu at apat na pakete ng hinihinalang marijuana. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …