Friday , November 15 2024
Mga sasakyan nagkagitgitan... DAHIL SA AWAY SA KALYE, NEGOSYANTE NANUTOK NG BARIL, KALABOSO

Mga sasakyan nagkagitgitan…
DAHIL SA  AWAY SA KALYE, NEGOSYANTE NANUTOK NG BARIL, KALABOSO

ISANG lalaki ang naghihimas ngayon ng rehas na bakal matapos arestuhin ng pulisya sa reklamong panunutok ng baril na nag-ugat sa gitgitan ng mga sasakyan sa Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat mula kay P/Colonel Alex Apolonio, hepe ng Pandi Municipal Police Station (MPS), ang suspek na arestado ay kinilalang si Bryan Lingad y Cruz, 29-anyos, negosyante at naninirahan sa Brgy. Caypombo, Sta.Maria, Bulacan.

Ayon sa biktimang si Roel Ramos y Gabriel, 46-anyos, driver at residente ng Brgy. Siling Bata, Pandi, Bulacan, dakong alas-7:00 ng gabi, Mayo 10, nagmamaneho siya ng motorsiklo nang muntik na silang magkabanggan ng suspek na nagmamaneho naman ng isang Tamaraw jeep sa lansangan ng Brgy.Siling Bata.

Sa pag-iimbestiga ni Police Corporal Joel Dice, pulis na may hawak ng kaso, hindi nagkaintindihan sa pag-uusap ang dalawa na humantong sa mainit na argumento hanggang bumunot ng baril ang suspek at itinutok ito sa biktima kaya sa takot na mapatay ay nagmamadali nitong pinaharurot ang minamanehong motorsiklo at umalis sa lugar.

Kaagad ding tumawag ang biktima sa himpilan ng Pandi MPS na mabilis namang nagresponde at ang mga pulis ay nagsagawa ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Nakumpiska sa arestadong suspek ang isang Armscor caliber .9mm na may serial number AC20432, 13 bala para sa caliber .9mm, isang magazine, isang car key, isang cellphone, at ang minamaneho niyang Tamaraw jeep na may plakang PYZ 648.

Nakakulong na ang suspek sa Pandi MPS custodial facility habang inihahanda na ang pagsasampa sa kanya ng mga kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 kaugnay sa Omnibus Election Code.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …