Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Vote Election

Sanya parang kandidatong pinagkaguluhan habang bumoboto

RATED R
ni Rommel Gonzales

MISTULANG kandidato na pinagkaguluhan ng mga tao ang “First Lady” na si Sanya Lopez nang bumoto ang aktres sa kanyang polling precinct noong Lunes.

Sa mga video mula sa netizens, makikitang sinulit ng mga botante ang magpa-picture kay Sanya nang makasabayan nila ang aktres sa pagboto.

Maririnig din na sumisigaw ang mga tao ng “Acosta!” at “First Lady,” na karakter ni Sanya sa GMA series na First Lady.

Ang “Acosta” ang apelyido ng karakter ni Sanya na si Melody bilang asawa ng presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta, na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

Ayon sa mga bali-balita, sinabing nakapila na si Sanya at ang kuya niyang si Jak Roberto nang pagkaguluhan ng mga tao.

Dahil dito, nagdesisyon ang election inspectors na pabotohin agad si Sanya para hindi na magkagulo ang mga tao.

“Nahiya po kami. Humingi naman po kami ng pasensya sa mga tao at nakatutuwa po na naiintindihan naman po nila,” sabi ni Sanya.

Pero kahit tapos nang bumoto, sinalubong pa rin si Sanya ng mga tao sa labas ng presinto.

“Tinatawag nila akong ‘Acosta! Acosta!’ ‘First Lady,’ ‘Madam presidente’ pa ‘yung tinawag last time. So nakaaaliw talaga. Sa lahat ng dinadaanan namin ang tawag na sa akin Melody,” sabi ni Sanya.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Sanya na maikompara ang mga pangyayari sa totoong buhay sa takbo ng kuwento sa First Lady, lalo na sa katatapos lang na eleksiyon.

Sa pinakabagong kaganapan sa serye, pumayag na si Melody na humalili sa kaniyang mister na si Glenn bilang kandidatong pangulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …