Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

Rapist na MWP nasilat sa Bulacan 8 pa arestado

NAHULOG sa mga alagad ng batas ang isang lalaking nakatala bilang municipal most wanted person (MWP) at walong iba pang may kasong kriminal kabilang ang isang lumabag sa umiiral na Omnibus Election Code, sa patuloy na kampanya laban sa krimen, ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 10 Mayo.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, arestado ang nakatala bilang municipal MWP sa manhunt operation na isinagawa ng Bulakan MPS, kinilalang si Rodolfo Pacis, residente sa Brgy. San Nicolas, sa nabanggit na bayan, may kasong Qualified Rape at Acts of Lasciviousness.

Kasalukuyang nakadetine sa Bulakan MPS custodial facility para sa nararapat na disposisyon si Pacis.

Samantala, nadakip ang isa pang wanted person na kinilalang si Santiago Gonzales, Jr., residente sa Brgy. Malipampang, San Ildefonso ng mga elemento ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), San Rafael MPS, HPT-Bulacan & RID-SCU3 para sa Estafa (Swindling), sa 49 magkakahiwalay na kasong isinampa laban sa kanya.

Pansamantalang nasa ilalim ng kustodiya ang akusado ng 2nd PMFC para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon bago i-turn over sa kinauukulang korte.

Sa ikinasang anti-illegal drug bust ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael MPS, nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang suspek na kinilalang sina Mark Morante, alyas Bong, ng Brgy. Poblacion, Baliwag; at Joselito Reyes, alyas Jose, ng Brgy. Tambubong, San Rafael, nakompiska mula sa mga suspek ang anim na pakete ng shabu at buy bust money.

Naaresto rin ang tatlong sugarol ng mga operatiba ng San Jose del Monte CPS na kinilalang sina Alvin Lagdan; Rosario Del Rosario; at Jesusa Reveche, pawang mga residente sa Brgy. San Rafael IV, sa nabanggit na lungsod.

Naaktohan ang mga suspek habang naglalaro ng tong-its at nasamsaman ng mga barahang pangsugal at perang taya sa iba’t ibang denominasyon.

Dalawang suspek ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente ng krimen na naganap sa bayan ng Pandi at lungsod ng Meycauayan.

Unang nasakote si Bryan Lingad ng Brgy. Caypombo, Sta. Maria na inaresto ng mga nagrespondeng police officers ng Pandi MPS sa kasong Grave Threat at paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions) kaugnay ng Omnibus Election Code; habang si

Juvan Hinoguin ng Brgy. Bayugo, Meycauayan ay inaresto sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610 (Child Abuse Law). (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …