Friday , November 22 2024
election materials recycle

Campaign materials tanggalin na — DILG

IPINATATANGGAL na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units (LGUs) at mga kandidato ang lahat ng waste campaign materials sa kanilang nasasakupan sa loob ng tatlong araw.

“Clean-up of election litter is the first order of business after the polls. Aside from incumbent LGU officials, we urge all candidates, winners and non-winners alike, to take it upon themselves to lead in the removal of their campaign materials,” pahayag ni Año.

               Sa kanyang paabiso sa local chief executives (LCEs), hinikayat sila ni Año na i-dispose nang tama ang mga election propaganda materials, alinsunod sa environmental laws at local ordinances at regulations laban sa illegal dumping, open burning, at littering.

               Hinihikayat din niya ang paggamit ng barangay at LGU material recovery facilities para mangolekta at mag-restore ng mga reusable materials gayondin sa pagbuo ng mga makabago at ligtas na estratehiya sa pag-recycle o pag-upcycle ng reusable campaign waste materials.

               “Impose the responsibility to the organizers of political activities, to ensure that waste generated by their activities, and their attendees will be properly managed and disposed of,” ayon kay Año.

               “Hinihimok po natin ang ating mga kababayan na makiisa sa clean-up drive ng kanilang LGUs at barangay. We have done our part in exercising our right to vote. Let’s continue to participate in governance through our simple ways of cleaning up our neighborhood from election litter,” anang kalihim.

               Binigyang-diin ni Año, may masamang epekto sa public health at environment ang maling disposal sa mga campaign propaganda na gawa sa plastics at iba pang non-biodegradable materials. Sinabi ng DILG chief, noong 2019 midterm elections, mahigit sa 168.84 tonelada ng campaign materials ang nakolekta. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …