Monday , December 23 2024
Bubog at Karga FDCP

Background Actors sa Bubog at Karga Acting Showcase itinanghal ng FDCP

MATAGUMPAY na ginanap noong May 5, 2022 ang pagtatapos ng Bubog at Karga: Acting Workshop on the Chubbuck Technique for Background Actors ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ipinamalas ng mga naging kalahok ang kanilang galing sa pag-arte sa isang in-person acting showcase sa Cinematheque Center Manila.

Ang acting showcase ang panghuling gawain ng unang batch ng background actors na sumailalim sa 14 na linggong online acting training at onsite rehearsals sa pangunguna ng iginagalang na acting coach na si Direk Rahyan Carlos.

Dalawampu’t limang background talents ang hinasa sa Chubbuck Technique, ang epektibong acting technique na nilikha at pinasikat ng Hollywood acting coach na si Ivanna Chubbuck. Si Direk Rahyan ay dumaan sa pagsasanay sa ilalim ni Chubbuck at  ang tanging Filipinong certified mentor ng acting method at creative philosophy na ito sa Pilipinas sa ngayon.

Ang National Registry ng FDCP, sa pakikipagtulungan ng Star Magic Philippines Trainings and Workshops, ay bumuo ng serye ng mga workshop sa nasabing acting technique na naglalayong pag-ibayuhin ang galing ng mga film worker na mula sa iba-ibang larangan. Ang unang bahagi ng seryeng ito, ang Bubog at Karga: Acting Workshop on the Chubbuck Technique for Background Actors, ay nakatuon sa pagpapahusay at pagpapataas ng antas ng kalidad ng pag-arte ng mga background actors bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga ito sa patuloy na pagkatuto.

Malugod na ipinakilala sa entablado ng Star Magic Workshops Head na si Direk Rahyan ang kanyang naging mga mag-aaral at ang kanilang husay sa pagganap sa harap ng mga tagapanood na dumalo sa Cinematheque. Ang mga panauhin ay mga kaibigan, pamilya, at mga kasapi ng film and entertainment community. Sa layuning itanghal ang mga acting participants at magbukas ng pagkakataon para sa kanila, dumalo rin ang ilang kaibigang direktor at talent scouts sa eksklusibong okasyon.

Nakita ko sa batch na ito, lahat sila gutom—gutom na matuto. I always tell them that acting is a lifestyle of learning. Balikan natin ang sarili natin, mag-aral tayo at matuto para igalang tayo,” pagbabahagi ni Direk Rahyan.

Ang Chubbuck Technique ay isang acting technique na may 12 hakbang na naglalayong gamitin ang mga emosyon gaya ng sakit ng kalooban bilang instrumento upang epektibong mailabas ang emosyong hinihingi ng isang eksena. Maaaring iba-iba ang pinaghuhugutang damdamin ng bawat aktor ngunit ang technique ay may sinusundang mga tiyak na hakbang upang makamit ang pangunahing objective ng isang eksena. Ang laboratory style na workshops ay ginanap sa isang hybrid setup na mayroong 10 sesyon sa online platform at apat na face-to-face training na mayroong tatlong oras bawat isa (na kadalasan ay humihigit dito at umaabot ng anim hanggang walong oras) kada linggo

.

Ilang ‘di malilimutang eksena mula sa mga pelikulang Filipino at Hollywood na may iba-ibang genre gaya ng drama, romance, horror, comedy, at action ang itinanghal ng mga kalahok bilang pagpapakita ng kanilang mga natutuhan sa workshop. Kabilang dito ang  Starting Over Again ni Olivia M. LamasanDahil Mahal Kitani Laurice GuillenLabs Kita… Okey ka Lang? ni Jerry Lopez SinenengThe Fault in our Stars ni Josh BooneTitanicni James Cameron, at marami pang iba.

Nagtapos ang gabi sa isang post-show red carpet walk, pamamahagi ng mga sertipiko, at pagpap

alabas ng isang video presentation ng naging paglalakbay ng batch. Ang 25 kalahok na bumubuo ng unang batch ng background actors na nakapagtapos ng naturang workshop ay nagmula sa iba-ibang acting background gaya ng  teatro, independent films, telebisyon, advertisement, music video, at online content.

Nangangarap ako para sa inyo! More hard work in training and onto the next level. With this result, gagalangin ang mga character actors natin dahil magkaroon ng confidence ang mga producer, writers, directors, na they’re not just talents, they are actors. Titingalain din sila. I’m so proud of Filipino talent but we lack the training, the opportunities. With this (acting showcase), this is such validation that pwede natin simulan sa pamamagitan ng training para respetuhin at pataasin ang kalidad ng acting dito sa Pilipinas,” ani Direk Rahyan. 

“This workshop is so important to us because we want to empower and dignify background actors. At the end of the day, it’s still very important  to formalize these skills in order for us to elevate as professionals in this field, especially since acting is a continuous process of learning. These background actors have an important role and they deserve a space as respected actors,” sabi naman ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

About hataw tabloid

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …