Monday , December 23 2024

13-point Teachers Dignity Agenda, ihahatag kay Sara

NAIS ihatag ng Teachers Dignity Coalition kay presumptive vice president Sara Duterte ang mga suliranin ng mga guro at ang inaasahang solusyon dito ng pamahalaan sa nakatakda niyang pag-upo bilang education secretary .

Ayon kay Benjo Basas, TDC national chairperson, bagama’t ang nais nilang maging kalihim ng Department of Education (DepEd) ay mula sa kanilang hanay, iginagalang nila na prerogative ng Pangulo ang magtalaga ng miyembro ng gabinete.

Gusto ni Basas na ibahagi kay Sara ang 13-point Teachers Dignity Agenda na nangangailangan ng aksiyon ng sangay ng ehekutibo at lehislatura na nakatuon hindi lamang sa Karapatan at kapakanan ng mga guro kundi para sa mga mag-aaral at school system.

Kabilang rito ang mas maayos na sahod, implementasyon ng 1966 vintage Magna Carta for Public School Teachers, kompensasyon para sa mga naapektohan ng COVID-19, free post graduate education, free laptop computers at internet services, at ang pagbuo ng hiwalay na insurance system at ospital para sa mga guro at iba pang nakabinbing mga benepisyo.

“As well, we have programs on learning itself, such as reduction of class size, provision of books and other materials and facilities and adequate funding for the safe return to normal school operation,” ani Basas.

“Finally, a curriculum that strengthens national development and not just cater on the needs of foreign labor market, but one that includes sense of patriotism and promotes peace and human rights, a curriculum that will produce Filipinos who are proud of their history and culture,” dagdag niya.

Umaasa ang TDC, ang susunod na administrasyon ay hindi babalewalain ang kanilang panawagan na isulong ang dignidad ng propesyon ng mga guro. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …