Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toby Tiangco John Rey Tiangco

Tiangco brothers wagi sa Navotas

BINIGYAN ng mga botante ng Navotas ang Partido Navoteño ng landslide victory sa katatapos na halalan.

Iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec)  City Board of Canvassers kahapon, Martes dakong 4:05 am, ang bagong halal na congressman, mayor, vice mayor at mga konsehal ng lungsod.

Nanguna si Mayor Toby Tiangco sa congressional race na may 79,505 votes habang si Congressman John Rey Tiangco ay nakakuha ng 80,908 boto. 

Si Mayor Tiangco, kasama ang congressman at iba pang Partido Navoteño, ay humarap sa kanilang  constituents sa pamamagitan ng Facebook Live kasunod ng kanilang proklamasyon.

“Kami po ay nagpapasalamat sa suporta ninyo sa buong Partido Navoteño. Gagamitin po namin ang suporta ninyo bilang inspirasyon para higit pa kayong mapagsilbihan at lalong mapaangat ang buhay ng bawat Navoteño,” ani Mayor Tiangco.

Ipinahayag ng magkapatid ang kanilang pasasalamat at pangako na ipagpatuloy ang kanilang tatak ng serbisyo at pamamahala.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong tiwala at sa suportang ibinigay ninyo sa amin at sa buong Partido Navoteño. Sana ay magkaisa po tayo at magtulungan para matupad ang ating pangarap na patuloy na mapataas ang pamumuhay sa ating lungsod,” sabi ni Cong. Tiangco.

Nanguna rin si first-time vice mayoral candidate, Councilor Tito Sanchez sa local elections na may 84,065 boto.

Nangibabaw ang mga reelectionist councilor na sina Migi Naval, CJ Santos, Neil Cruz, at Liz Lupisan mula sa District 1, at RV Vicencio, Richard San Juan, Alvin Nazal, Rey Monroy, at Tarok Maño mula sa District 2.

Ang kasalukuyang Vice Mayor na si Clint Geronimo, maging ang mga first-time candidates na si Abu Gino-gino at Lance Santiago ay iprinoklama rin. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …