NAGPAALAM at nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente ng Davao City sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapaglingkod sa pamahalaan sa nakalipas na tatlong dekada, mula vice mayor noong 1986 hanggang presidente noong 2016.
“Hoy, mga buang, dili nako kandidato,” aniya sa mga naghiyawan ng “Duterte, Duterte” matapos siyang bumoto kahapon ng 4:30 pm sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City.
“I’m about to leave the presidency and I only want you to hear my heartfelt thanks to the people of Davao,” anang Pangulo sa kanyang talumpati.
“You started my journey to Malacañang, and now that I have my children, if you believe that they run the city well, I’d like to ask …You have already cast your votes,” aniya.
“I will instead thank you for helping them,” sabi ng Pangulo tungkol sa kandidatura ng kanyang mga anak na sina Paolo bilang kongresista, Sara bilang vice president, at Sebastian bilang mayor ng Davao City.
Kasama ng Pangulo sa pagboto ang longtime partner na si Honeylet Avancena na nakasuot ng pink polo shirt at Sen. Christopher “Bong” Go. (ROSE NOVENARIO)