Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dave handang ilantad ang katawan

UNANG beses na magkapareha sina Dave Bornea at Mikee Quintos sa isang teleserye at ito ay sa Apoy Sa Langit.

“Naku po sobrang grateful po ako na nakatrabaho ko si Mikee kasi sobrang generous niya when it comes to ideas, na sobrang patient niya kasi there are times ‘pag may mga eksena na medyo mabigat like, ‘Sorry Mikee, parang kailangan ko munang umabot doon.’

“Sasabihin niya, ‘Sige lang, sige lang.’

“So iyon, may ano rin kami, may mga collaborative rin kaming ginagawa and then kung okay lang ba ’to, kung tama ba ‘to? So nakikiramdaman din kami.

“Sobrang gaan niyang kasama sa set and then ang dami kong natutunan nga, well lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Thank you!’

“Kasi everytime pagkatapos ng isang eksena sinasabi ko sa kanya, ‘Mikes thank you, may natutunan na naman ako sa ‘yo today.’

“So iyon. So since siya naman ang madalas na kasama ko sa mga eksena, ‘Thank you Mikes, you’re the best!’”

Hindi ba siya nape-pressure dahil si Mikee ay galing sa dalawang matagumpay na tambalan, una ay with Kelvin Miranda sa highly-successful na The Lost Recipe at kamakailan naman ay kay Sef Cadayona sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento?

“Hindi naman po maiiwasan na ma-feel ang pressure po but then iyon nga, nagtutulungan po kami para mapaganda ‘yung show. So iyon po roon lang kami nakatingin, naka-focus talaga.”

Isang Kapuso hunk si Dave at nakikita sa mga Instagram posts niya kung gaano kaganda ang hubad niyang katawan bunga ng regular niyang pagwo-workout sa gym.

Magkakaroon ba siya ng mga eksenang shirtless sa Apoy Sa Langit?

“Ah hindi pa naman po tapos ‘yung taping namin abangan po natin at abangan n’yo po ‘yan,” ang pilyong tumatawang sagot sa amin ni Dave sa mediacon via Zoom ng Apoy Sa Langit.

Pinaghihirapan ni Dave ang pagpapaganda ng katawan kaya parang hindi maaaring may programa na kasama siya na hindi magpapakita ng matipuno niyang pangangatawan.

“Ah si direk Laurice na po ang bahala riyan,” at muling tumatawang sinabi ni Dave.

Ang beteranang aktres na si Laurice Guillen ang direktor ng Apoy Sa Langit na napapanood tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …