Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, Barbie at iba pang Sparkle talents 1st time voters

KAHAPON nakaboto na sa kauna-unahang pagkakataon sina Bianca Umali at Barbie Forteza.

Isa si Bianca sa matyagang pumila mula 3:00 a.m.-4:00 p.m.para makapagparehistro noong September 2021. Sa kabuuan, 13 oras ang ginugol ng aktres para makapagparehistro.

Proud namang ipinakita ni Bianca ang kanyang inked fingerprint sa kanyang Instagram account matapos pumila ng mahigit kalahating araw.

“Ang pagboto natin tuwing eleksyon ay nagpapakita ng ating pakikilahok sa paghangad ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para sa buong bansa. Ito ay ating karapatan at kailangang gampanan. Tungkulin at pananagutan natin ito bilang mga Pilipino,” saad ni Bianca sa kanyang caption.

Ganito rin ang experience ni Barbie na madaling araw pa lang ay pumila na.

Bilang parte ng GMA News and Public Affairs #Eleksyon2022 advocacy na “Dapat Totoo,” nagbigay pa si Bianca ng paalala para sa mga kapwa niya botante ngayong national and local elections sa pamamagitan ng interactive quiz sa photo and video sharing site.

Bukod kina Bianca at Barbie, first time voters din ang kapwa Sparkle talents nila na sina Klea Pineda, Rain Matienzo, at Brent Valdez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …