MAGSASAGAWA sina Fide Master Roberto Ramos Suelo Jr. at National Master/ United States chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. ng simultaneous exhibition games bilang bahagi ng pagdaraos ng P’gsalabuk Festival Day sa Mayo 13 (Biyernes), dakong 1 p.m. na gaganapin sa Busog 28 Main, National Highway Minaog (Infront DICT) sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Sina Suelo at Bernardino ay mapapalaban sa mga napili at istudyante ng Zamboanga del Norte sa event na inorganisa at hosted ng Dipolog City Chess Association sa pakikipagtulngan ng Barkadahan Para sa Bansa, Ranell Cendy Ticketing, Busog 28 Fried Chicken at ng Bayanihan Chess Club.
Nakilala si Suelo sa chess world matapos magkampeon sa 1996 Philippine Junior Chess Championships habang naghari naman si Bernardino sa 2005 Arlington, Virginia Open Chess Championships.
Kabiang sa mga imbitadong manlalaro na kumakatawan sa adult at students ay sina Bebs Cheng, magkapatid na Ranzeth Marco at Princess Rane Magallanes, Joemel Narzabal at Jillianne Jumalon.
– Marlon Bernardino –