Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PAMANGKIN NG MAYOR TINODAS NG BALA (Sa Zamboanga del Norte)


PATAY ang pamangkin na babae ng alkalde ng bayan ng Sirawai, sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, nitong Sabado ng gabi, 7 Mayo.

Kinilala ni P/Maj. Shellame Chang, tagapagsalita ng PNP PRO-9, ang biktimang si Sitti Warna Pawai Sala, 33 anyos, residente sa Brgy. Sirawai Proper at isang ‘job order worker’ ng Sirawai LGU, binaril habang nasa loob ng bahay ng isang kamag-anak sa Sahaya, Brgy. San Vicente, sa naturang bayan, kamakalawa.

Ayon kay Chang, kilalang tagasuporta si Sala ni Aljzar Janihim, anak ni Sirawai, incumbent mayor Gamar Janihim, at tiyuhin ng biktima.

Nabatid nakaupo sa tabi ng bukas na pinto ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na naksuot ng uniporme ng pulis saka siya binaril sa ulo.

Natagpuan nina P/Capt. Alexie Palisoc at mga tauhan ng 2nd Zamboanga del Norte PMFC kalaunan ang getaway na motorsiklo ng suspek sa Sitio Maasum, Brgy. San Nicolas kung saan sumemplang.

Ayon kay P/Sgt. Carding Unding, imbestigador ng kaso, dinakip ng pulisya ang suspek na kinilalang si Anhar Tunggal Montong, 24 anyos, residente sa Brgy. San Roque, sa nabanggit na bayan, na dinala sa Sirawai Health Unit para malapatan ng atensiyong medikal.

Nakuha ng mga kagawad ng pulisya ang dalawang kalibre .45 pistola, dalawang magasin, isang magasin para sa 5.56 mm pistol, at sari-saring bala.

Inamin ni Montong, ang krimen at sinabing kasama niya si Saiben Alipon Jakaria, residente sa Brgy. Montivo, bayan ng Sibuco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …