Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Calista girls

Calista, nagpasiklab sa Big Dome!        

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINATUNAYAN ng mga talented na all-female P-pop group na Calista na may K-silang mag-perform sa Araneta Colisieum via sa kanilang Vax To Normal concert.

Dito’y masasabing nagpasiklab sa punong-puno ng pasabog na mga production numbers ang young ladies na sina Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elle, at Fiery Dain.

Bukod pa rito, impressive rin ang colab nila sa mga special guests dito. Winner ang stage at costumes designs, pati choreography ng lahat ng production numbers.

Pero ang pinaka-impressive para sa amin ay ang pagpapalipad nila ng live-as in totoong butterfly o paro-paro nang kantahin na ng Calista ang Race Car. At siyempre pa, ang prod number ni Darren kasama ang Calista.

Worth mentioning din na ang Vax To Normal concert ay isang tribute sa ating mga bayaning frontliners sa panahon ng pandemic na dulot ng COVID-19.

Hatid ng Merlion Events Production, Inc, ang stage director nito’y si Nico Faustino, musical director-Soc Mina, at ang dance icon na si Nesh Janiola bilang choreographer.

Masaya ang grupo dahil nakapag-perform sila sa Big Dome finally, na matagal na raw nilang pangarap.

Nabanggit din nilang ihinahanda na ang kanilang second single na follow up sa kanilang successful single na Race Car.

Target ng Calista na ma-penetrate ang International market at sa kanilang ipinakita sa Big Dome that night, kaya nilang maisakatuparan iyon.

Anyway, congrats ladies at sa manager nilang si Tyronne Escalante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …