Saturday , November 16 2024

MAG-ASAWA AT LOLO, DALAWA PA NASAKOTE (Aktong bumabatak ng droga)

HULI sa akto ang mag-asawang ‘adik’ kasama ang tatlo pa habang bumabatak ng shabu sa loob ng bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang naarestong mga suspek na sina Arnold alyas Buboy, 53 anyos, asawa niyang si Rona Estrada, 55, anyos, Arjay Martinez, alyas Perry, 36, Khim Claire Vergara, alyas Claire, 22, at ang lolong si Avelino Dantes, alyas, Abling, 60 anyos.

Ayon kay P/SMSgt. Fortunato Candido, nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa A. Bernardino St., Brgy. Ugong kaya nagsagawa sila ng validation sa nasabing lugar.

Pagdating sa lugar dakong 10:40 am, naaktohan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Narekober ang isang plastic transparent plastic sachet na naglalaman ng apat gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P27,200, cellphone at ilang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …