IPINAMALAS ni David Ancheta ang kanyang husay sa pagpapatakbo ng mga piyesa sa endgame para maging kampeon ang Chessmis TV Chess Team matapos ang sixth episode ng competitions ng Season 3 ng Philippine Chess League (PCL) nung Linggo, Mayo 1, 2022.
Si Ancheta, 16, na 10th grader ng Corpus Christi School sa Cagayan de Oro City ay tumulak ng 26 points para rendahan ang Chessmis TV Chess Team sa 1,109-point output angat sa Nueva Ecija Chess Knights (1,108), Rising Phoenix Chess Academy (1,024), White Knights Chess Club Team “A” (723), TFCC Chess Movers (466) at PFCC Warlords (412) sa Group B.
Nag-ambag naman si Julian Rogello Labaja na 10th grader ng Iligan City National High School ng 17 points para gabayan ang Chessmis TV Chess Team na suportado ni Philippine Chess God Father Billy Joe Ereno.
Ang dynamic duo ay nangunguna sa Youth Team Battle.
“David Ancheta’s play was always razor-sharp, rational and brilliant.” sabi ni Billy Joe Ereno, team owner ng Chessmis TV Chess Team.
-𝙈𝙖𝙧𝙡𝙤𝙣 𝘽𝙚𝙧𝙣𝙖𝙧𝙙𝙞𝙣𝙤-
Check Also
TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia
NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …
Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze
BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …
Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games
BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …
Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football
CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …
Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball
INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com