Tuesday , February 4 2025

Philadelphia 76ers yuko uli sa Miami Heat

SINUNGKIT ng Miami Heat ang 2-0 series lead laban sa Philalephia 76ers kahapon para isara ang Game 2 sa South Beach sa iskor na 119-103.

Marami ang nag-ambag ng puntos para sa Miami pero umangat  sa lahat ang inilaro nina Jimmy Butler at Bam Adebayo na may kabuuang 45 puntos, 15 rebounds,  at 15 aasists.

Pinangunahan naman ni James Harden at Tyrese Maxey ang atake ng 76ers.  May combined 54 puntos, 10 rebounds at 7 assists.

Kailangan na lang ng Miami ang dalawa pang panalo para makasampa sa Eastern Conference finals na posibleng makaharap nila ang Milwaukee Bucks o ang Boston Celtics.

Nadehado nang husto ang Sixers nang hindi nakapaglaro si Joel Embiid na nadale ng broken orbital bone at mga pasa sa naging laro nila sa Games 6 laban sa Toronto Raptors.  Resulta nun ay hindi siya nakalaro sa nakaraang dalawang laro sa second round.

Aminado naman ang coaching staff ng Miami na may bahagya ring epekto sa team ang pagkakarahe  nina Kyle Lowry at  Duncan Robinson sa rotation dahil sa injury.  Pero ganunpaman komportable pa rin si head coach Erik Spoelstra sa siyam na natirang manlalaro niya na magaan niyang napapagpalit-palit.

About hataw tabloid

Check Also

Luka Doncic Lebron James Anthony Davis

Davis-Doncic trade ginulat ang NBA
LUKA, LEBRON MAGSASANIB NA NG LAKAS SA LAKERS

GUMAWA ang Los Angeles Lakers ng isang nakagugulat na trade, ipinagpalit si Anthony Davis kay …

ArenaPlus PSA Awards FEAT

ArenaPlus celebrates Filipino sports excellence at the annual PSA Awards

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform, joined the celebration of Pinoy pride as Filipino athletes …

D Shipper RS-BBB RCF E Bros-Balaraw solo champion sa World Sasher Cup

D’ Shipper RS-BBB RCF E’Bros-Balaraw solo champion sa World Sasher Cup

ITINANGHAL  na solo champion ang pinagsamang entry nina J. Bacar/RCF/B. Joson/E. Brus/F. Maranan sa katatapos …

Zus Coffee wagi vs Chery Tiggo

Zus Coffee wagi vs Chery Tiggo

NANAIG ang Zus Coffee Thunderbelles, 25-22, 25-22, 23-25, 25-20 laban sa Chery Tiggo Crossovers sa …

Ramon Tats Suzara

Pambansang U21 Men’s Volleyball Championship, nagsimula na

Ang daan patungo sa FIVB Volleyball Men’s World Championship (MWCH) 2025 sa Setyembre ay sisimulan …