Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mikee at Dave Bornea nagkakatulungan sa mga eksena

SA The Lost Recipe ay si Kelvin Miranda ang leading man ni Mikee Quintos, sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay si Sef Cadayona (na parehong ipinalabas nitong 2021) at ngayon sa Apoy Sa Langit bilang si Ning ay si Dave Bornea na gaganap bilang si Anthony.

“Si Dave naman po kasi kasabay ko siya na mag-workshop. Noong bagong-bago po ako, six-seven years ago, na ‘yung batch po nila ng ‘StarStruck’ kasabay ko pong nag-workshop,” umpisang kuwento ni Mikee ukol kay Dave.

“So ‘yung unang open ko sa Eric Morris [sikat na acting coach], sa style ng workshops dito sa GMA, kasabay ko siya roon. So ilang exercises na ka-partner ko siya roon. Nakakatulong po iyon ‘pag kaeksena ko siya.

“Ikinukuwento ko, ‘Naaalala mo ‘yung ginawa natin noon?’

“Parang, ‘Try natin dito!’

“Iyon may mga ganoon po kami so, nakatutulong po ‘yun.”

Inamin ni Mikee na may adjustment sa unang pagsasama nila ni Dave kahit nagkasama sila sa workshop.

“Mayroon (adjustement) pa rin po kahit kaunti but nakatulong na mayroon ng sense of comfort ‘coz we know each other already so ang tinatrabaho namin ‘yung kung paano pa namin mas mapagaganda yung eksena, para hindi makita ‘yung Dave and Mikee, mas makita si Ning at tsaka si Anthony.

“Iyon po, we’re going for that. Sana po makita ninyo ‘yun.”

Tampok din sa Apoy Sa Langit sina Maricel Laxa, Mariz Ricketts , Carlos Siguion-Reyna, Coleen Paz , Celine Fajardo, Patricia Ismael, at Mio Maranan. Idinirehe ito ni Laurice Guillen at napapanood sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …