Sunday , December 22 2024

Allen ‘sasabay’ kay Saviour; katawan ilalantad din

BAGO ang Raya Sirena ay ang Dyesebel nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang sumikat na serye tungkol sa sirena noong 2008.

Ngayong 2022 ay may Raya Sirena sina Sofia Pablo, Saviour Ramos, at Allen Ansay.

Sa recent interview namin kay Allen, tinanong namin ang Sparkle male artist kung may effort ba sina Allen na lampasan ang tagumpay ng Dyesebel?

“Basta kami po kasi talaga parang hindi na po namin iniisip na malampasan ‘yung ‘Dyesebel’ basta ang gusto namin mapasaya ang mga tao.

“Na maipakita namin ‘yung pinaghirapan namin, ‘yung ibinigay naming trabaho, na magustuhan ng mga tao,” wika ni Allen.

Normal na tao si Allen sa Raya Sirena bilang si Gavin at si Saviour naman si Ape, isang merman o lalaking sirena kaya halos lahat ng eksena nito ay nakahubad.

Si Saviour ay anak ni Wendell Ramos na tanging buntot ng sirena ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan.

Si Allen ba ay hindi magpapakita ng katawan sa Raya Sirena?

“Abangan n’yo ‘yun,” ang tumatawang reaksyon ni Allen. “Kasi parang mayroong alitan si Gavin at saka si Ape, magpe-flex sila! Abagan nila ‘yun,” at muling tumawa si Allen.

Nasa Raya Sirena rin sina Elias Point, Juan Carlos Galano, Reins Mika, Ayeesha Cervantes, Jana Francine Taladro, Shecko Apostol, Gerald Pesigan, at sina Shirley Fuentes at Mosang. Idinidirehe ito ni Crisanto Aquino at napapanood tuwing Linggo, 3:05 p.m.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …