Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Trillo Jennylyn Mercado baby D

Dennis at Jen masaya sa pagdating ng bago nilang baby

HALATA mo masayang-masaya ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado habang nagse-share sila ng mga nangyari sa panganganak ng aktres noong April 25. Isipin ninyo nakalipas pa ang ilang araw bago iyon nabalita. Iyong mga movie reporter kasi ngayon hindi na kagaya noong araw na naghahabulan ng balita. Ngayon nasanay na lang sila na nakakaharap ang mga artista kung may ipinatatawag na press conference. Ewan nga ba kung bakit ganoon ang naging kalakaran. Hindi mo rin naman masisisi ang mga movie reporter, hindi gaya noong araw na ang artista ay inilalapit ng kanilang managers sa press. Ngayon nga kung minsan may mga managers pang ayaw ipakumbida ang mga writer sa mga presscon.

Iyong mga writer naman hindi na halos naghihirap maghanap ng balita. Marami naman kasing mga balasubas na diyaryo na hindi na nagbabayad ng proferssional fees, nanghihingi pa sa writers. Halos bagsak na ang entertainment pages dahil sa ganyang practice. Iba kasi iyong ang orientation ay diyaryo talaga gaya ng Hataw.

 Ngayon ang panganganak ni Jen ay masasabi nating nasa ayos talaga.

Nagpakasal silang dalawa ni Dennis bago siya nanganak, kaya walang question lehitimo ang kanilang baby girl. Siguro alam din naman nila ang problema niyong ipapanganak ang bata na hindi kasal ang mga magulang, pareho na nilang naranasan iyan. Napaghandaan na rin nila ang buhay nila. May bahay silang naipatayo, at may nursery na rin ang kanilang baby girl sa kanilang bahay, na ipinakita pa ni Jennylyn

sa isang video bago siya nanganak.

Mapapansin ninyo iyan sa mga bata. Kung sa simula pa lang, sa panganganak pa lang ay naisilang sila nang maayos, hanggang sa paglaki magiging maayos ang buhay ng taong iyan. Pero kung ang batang isisilang na may gulo na sa pamilya, bantayan mo nang mabuti iyan dahil may mga pag-aaral na ngang nagsasabi na ang mga batang ganyan ang siyang lumalabas na juvenile delinquents. Ang utak kasi ng bata, nasa sinapupunan pa ay developed na, at nag-a-absorb na ng impormasyon.

 Kaya iyang anak nina Dennis at Jennylyn, bukod sa siguradong magiging magandang babae iyan, tiyak na nasa ayos ang magiging buhay niyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …