Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bumili ng lupa ngunit walang bahay
RESIDENSIYA NI KHONGHUN SA CASTILLEJOS KINUWESTIYON
Kandidatura ipinababasura

050322 Hataw Frontpage

HATAW News Team

CASTILLEJOS, ZAMBALES –  Isang petisyon na humihiling na idiskalipika ang kandidatura ni Congressman Jeffrey Khonghun (1st District, Zambales) ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) kamakailan.

Si Congressman Khonghun, nasa ika-tatlo at huling mga buwan ng kanyang termino ay naghain ng kandidatura sa pagka-mayor ng Castillejos, Zambales.

Sa petisyon na inihain nina Gilbert Viloria at Jose Dominguez noong 23 Marso 2022 sa Law Department of the Commission,  sinabing dapat idiskalipika ang kandidatura ni Khonghun sa pagka-mayor ng Castillejos dahil hindi natugunan ang kinakailangang isang taon o 12 buwang paninirahan sa isang bayan para magkaroon ng lisensiyang tumakbo sa halalan.

Binanggit sa petisyon, si Khonghun ay naging mayor ng Subic sa loob ng tatlong termino, at nasa ika-tatlong termino bilang congressman ng Unang Distrito ng Zambales.

Ang ginagamit na address ni Khonghun ang bahay niya sa Aningway-Sacatihan, Subic, Zambales.

Sa nasabing address ginaganap ang mga pulong ng mga tagasuporta ng kanyang kandidatura.

Bagaman idineklara ni Khonghun na residente siya ng Purok 5B, San Pablo, Castillejos, Zambales, wala siyang naipatatayong bahay doon para panahanan upang maging opisyal na residente sa lugar, maliban sa ginagawang estruktura.

Isinasaad sa Section 39 ng Republic Act 7160, kilala bilang Local Government Code of the Philippines, upang maging kalipikado bilang kandidato sa posisyon, dapat ang kandidato ay rehistradong botante at residente sa bayan na nais niyang paglingkuran nang hindi bababa sa isang taon.

Binanggit nina Viloria at Dominguez, ang naging basehan ng pagpapasya ng Korte Suprema sa katulad na kaso na sinabi ng Korte, ang pagbili ng lupa ay hindi maituturing na residensiya.

Upang maging ganap na residente, ang tao ay dapat na nakatira sa isang bahay.

“Ang katotohanan, ang estrukturang bahay ay ginagawa pa lamang, ibig sabihin hindi pa niya nagagawang  maging ganap ang pagiging residente ng barangay,” sabi ng Korte.

Sa kaso ni Khonghun, totoo umano na nagmamay-ari ng lupain sa Barangay San Pablo, Castillejos, ngunit ayon sa Castillejos Municipal Engineer’s Office, nag-aplay lamang si Khonghun ng building permit, ngunit ang aplikasyon ay hindi pa kompleto, samantala ang estruktura ay hindi pa rin kompleto at walang linya ng tubig at ilaw.

Dahil sa mga nabanggit na kalagayan, hindi maituturing na residente ng Castillejos si Khonghun at marapat na idiskaipika ang kanyang kandidatura sa pagtakbo bilang mayor ng Castillejos.

Sa kasalukuyan, ang anak ni Congressman Khonghun na si dating Subic mayor at Zambales vice governor Jay Khonghun ay tumatakbo bilang Congressman sa 1st District ng Zambales; samantala, ang anak nitong si Jon Khonghun ay tatangkain ang re-election bilang mayor ng Subic.

Ang anak na babae na si Jaq Khonghun ay tumatakbong vice governor ng Zambales.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …