ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
LABIS ang pasasalamat ni Alma Concepcion sa GMA-7 dahil kahit hindi siya under contract sa kanila ay madalas na may project ang aktres sa Kapuso Network.
Katatapos lang mag-taping ni Alma sa TV series na False Positive na magsisimula na ngayong Lunes, May 2, after ng Fist Lady. Ito ay mapapanood weeknights, 8:50pm sa GMA Telebabad.
Tampok sa False Positive sina Xian Lim, Glaiza de Castro, Nova Villa, Tonton Gutierrez, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Herlene Budol, Buboy Villar, Yvette Sanchez, Dianne de la Fuente and Luis Hontiveros, directed by Irene Villamor.
Gumaganap si Alma sa False Positive bilang mother ni Xian as Edward, na married kay Glaiza as Yannie.
Lahad ng aktres, “Sobrang thankful ako sa GMA-7 dahil lagi nila akong naaalala at nakakasali sa mga projects nila… kaya abangan nyo rin ang Lolong, starring Ruru Madrid, nag-last taping day na ako rito.”
Dagdag pa ni Ms. Alma, “Nagpapasalamat din ako sa PowerHouse Arte Management sa muling pagiging busy ko po sa showbiz. And of course sa Beautederm, sa support always. Special mention siyempre ang ating President at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Tan, para ibalik man lang natin sa kanya ang sobrang kabaitan niya sa atin.”
Nabanggit pa ng aktres na masaya sila sa set ng False Positve
Aniya, “Sobrang happy, thankful at grateful ako, kasi, sobrang happy-set palagi and very memorable ang mga bonding namin dito.
“Nagiging work and play, kasi ang sasaya ng mga kasama sa set. Nagkakaroon ng super special memories ang whole production, hindi lang ang mga artista.”
Ipinahayag pa ni Alma na masarap ang feeling dahil matagal na raw niyang hinihintay ang role na natoka sa kanya rito.
Sambit niya, “Nakakatuwa kasi, dati panay na kontrabida role ako, glamorous… Ang tagal kong hinintay na magkaroon ng project na simple lang, ng kung ano ang talaga ayos ng nanay, ‘di na glamorous! Ang sarap ng ’di na masyadong nag-aayos bilang simpleng nanay.”
Ipinaliwanag niya kung bakit False Positive ang title nito.
“Kasi nag-gender switch ang mag-asawa. Biglang nalipat ang ipinagbubuntis ni Yannie kay Edward.”
Paano niya ide-describe ang False Positive? “Light-comedy siya. Kaya masaya na paminsan-minsan comedy naman!”
Sumabak ba siya rito sa comedy? Nanibago ba siya na magpapatawa naman siya this time?
Tugon ni Ms. Alma? “Medyo drama yung part ko with Xian and Glaiza. Bale, sila lang yung nag-comedy. Ako yung concerned mom.”
Pinuri rin niya ang pagiging magaang katrabaho at professional ng mga co-star niya rito.
Lahad niya, “Ay grabe si Tita Nova!! Sobrang happy kasama! Sobrang bow kaming lahat sa kanya. Very energetic na nakakahawa! Nakakamangha siyang titigan, ang ganda-ganda niya at siyempre ay super professional! Walang reklamo sa work at masaya lang palagi.
“Si Xian, hyper, patawa lang nang patawa. No dull moments sa kanya. Kengkoy at komedyante. Ang kulit! Super humble! Nakakatuwa, kasi naging madali ang character ko, kasi he reminded me of my son. Pareho sila ng mata at physique at kakulitan, kaya na at home ako sa kanya instantly!
“Si Glaiza naman grabe ang bait sa lahat! Pantay-pantay ang treatment niya sa lahat, iyong genuine kindness niya ang tumatak sa puso ko. Si Rochelle naman ang work-out leader at walang tigil sa pagpapakain sa amin. Papakainin kami tapos aayain mag-work out, hehehe.
“Si Tonton… my goodness! Super-super-super bait! He gets along with everyone. Mapa-bata or mapa-may edad, he makes sure that everyone is comfortable and he unites everyone sa set. Kumbaga ay siya yung winner ng Mr. Friendship award! And genuine ang kabaitan ha, plus funny din siya!” Masayang esplika pa ni Ms. Alma.