Sunday , December 22 2024
Ping Lacson Alice de Perio-Lacson APRON

Pa-apron ng kabiyak ni Ping pumapatok

TAHIMIK pero epektibo ang paraan ng pangangampanya ng kabiyak ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na si Mrs. Alice de Perio-Lacson na madalas ay sa mga palengke nagtutungo para manuyo ng mga boto.

Madalang makitang kasama ng batikang lingkod-bayan ang kanyang maybahay sa pag-iikot nito ngayong panahon ng kampanya. Ito ay dahil sinadya ni Mrs. Lacson na hiwalay siyang magtungo sa iba’t ibang lalawigan para personal na kumausap sa mga botante at mamahagi ng tapis o ‘apron.’

Sa kampanya ni Mrs. Lacson at ng grupong “Ping Beneath the WINGS,” binigyan ng ibang kahulugan ang salitang ‘apron’ o kasuotan para protektahan ang damit ng gumagamit upang ilarawan ang magiging papel ni Lacson sa mga Filipino sakaling mahalal bilang susunod na pangulo ng bansa.

Para sa kanila, si Lacson ‘Ang Poprotekta, Rerespeto at magbibigay Oportunidad at pag-asa sa mga Nagnanais ng pagbabago’ kaya ‘APRON.’

Ayon sa kasamahan nina Mrs. Lacson, bentang-benta ang mga ‘apron’ na kanilang ipinamamahagi sa masa ngayong panahon ng eleksiyon.

Ang samahan na “Ping Beneath the WINGS (Women’s Initiative for Nation’s Good Service)” ay binubuo ng mga kababaihang sumusuporta sa kandidatura ni Lacson simula pa noong nakaraang taon.

Pinangunahan ni Mrs. Lacson ang grupo para tumulong sa kampanya ng kanyang asawa.

Bago ilunsad ang kanilang on-the-ground campaign, nag-alay ng panalangin si Mrs. Lacson sa Our Lady of the Rosary sa Manaoag, Pangasinan na kanyang bayang sinilangan.

Nitong Marso sila nag-umpisang mag-ikot sa mga palengke, tindahan, at mga lansangan.

Tuloy-tuloy ang kanilang kampanya sa mga lalawigan ng CALABARZON para kausapin ang mga tindera, kargador sa palengke, mga mamimili at iba pang botante ano man ang kanilang estado sa buhay para ipaalam sa kanila na protektado sila at ang kanilang kabuhayan sa panunungkulan ni Lacson.

May ilan din sa mga miyembro ng “Ping Beneath the WINGS” ang nagtungo sa Mindanao, partikular sa Lungsod ng Davao, para mag-ikot din sa mga palengke rito at mamahagi ng mga ‘apron’ kasabay ang pagsusulong ng mga adbokasiya ni Lacson sa kalusugan, kabataan, at kaligtasan ng publiko.

“Ang madalas na natatanggap namin na reaksiyon sa mga nakakausap namin, ngayon lang daw nila naramdaman na may sumamang asawa ng presidential candidate,” ayon sa isang miyembro ng Ping Beneath the WINGS.

Sa isang video message, siniguro ni Mrs. Lacson na magiging protektado hindi lamang ang kababaihan, kundi maging ang buong sambayanan — nasa lansangan man, paaralan, o tahanan — sa ilalim ng pamumuno ng kanyang mister sakaling magwagi bilang susunod na pangulo. 

Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit ‘apron’ ang kanilang napiling ipamahagi. “Sumisimbolo (ito) ng proteksiyon ng isang lider laban sa katiwalian, laban sa pagnanakaw, laban sa pagpapahirap sa bansa. Protektado tayo ng KakamPing tunay,” pahayag ni Mrs. Lacson. 

Sa nalalabing araw ng kampanya, plano ng “Ping Beneath the WINGS,” mga street sweeper at grupo ng mga magsasaka ang kanilang kakausapin para isulong ang mga plataporma ni Lacson tungo sa maayos, matino, at malinis na gobyerno.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …