HARD TALK
ni Pilar Mateo
DUGO sa simula hanggang katapusan. Ang bumalot sa kaibuturan ng pelikulang ginabayan ng award-winning director na si Brillante Mendoza sa baguhang nag-maniobra ng Kaliwaan na si Daniel Palacio.
Nakasama kami sa special screening nito. At mula umpisa hanggang dulo ay hindi kami bumitaw sa pagsaksi sa istoryang base sa tunay na mga pangyayari.
Sa naipakita nina direk Brillante at Daniel na mensahe ng pelikula. Gulat ang marami.
Isang mensaheng pangkalahatan. Anuman ang sekta, paniniwala, relihiyon, pamilya, relasyon. Ang mga dugong nananalaytay sa buhay. At kung paano itong umagos…
Ang naputungan ng korona ngayon bilang Reyna sa Vivamax na si AJ Raval ang nagpakita ng kanyang kahusayan sa papel ng masahistang si Monica. Na maayos ang relasyon sa kasintahang si Boogie (na ginampanan ni Vince Rillon). Pero dahil sa hamon ng buhay, may mga bagay na nagawang yumurak sa kanilang pagmamahalan.
At hindi matatawaran ang pagganap ng masasabing batikan na sa pag-arte na si Mark Anthony Fernandez. Maski na si Julio Diaz na kahit isa o dalawang linya lang ang binitawan eh, maaalala ng manonood.
Sa kulitanng tsikahan with Vince, nasagot na ang tanong namin sa kanya kung alin sa mga nagawa na niya ang maituturing niya ngayong most memorable.
Itong Kaliwaan na nga raw ‘yun. Na talaga namang hindi masisikmura ng mga mahihina ang loob sa torture scene niya sa isang eksena. Nang mapanood nga niya ang kabuuan eh, ‘di makapaniwala sa nabuong mga eksena.
Those scenes reminded me of past Lino Brocka films. At sa tanong ko naman kay Direk Brillante kung iikot na ito sa film festivals abroad, there are certain scenes daw na iti-tweak lang. Dahil mas gusto mapanood doon ‘yung less ang sex scenes. More on the action na gaya ng ginawa rito. Na mas patitindihin pa.
Maraming sinimbulo sa loob ng pelikula. Na walang sinirang paniniwala. Mahusay as always din sa pagganap niya bilang ina ni Boogie si Irma Adlawan. At ang gumanap na ama ni Boogie na may kurot sa puso ay noong pagapang itong lumapit sa duguan’g anak at nilisan ang kanyang wheelchair.
Ang rosaryo. Usal ng dasal ng mga kapatid na Muslim. Pawang may hiling sa Maykapal. Magkaibang daan. Magkaibang paraan!
Magiging proud naman for sure ang sinabi ni AJ na nasa ligawan stage pa lang sila, na si Aljur Abrenica sa kanya sa pelikula. Sabi naman ni AJ, priodidad pa rin nila ang mga trabaho nila. Na hindi niya nga kakayaning iwan para lang sa tawag ng puso.
Tawa nang tawa si AJ sa kuwento ng press na mukhang botong-boto ang tatay niyang si Jeric Raval kay Aljur. Dahil ito na ang umaamin na sila na!
Ang kasama ni AJ na nanood sa special screening ay mga kapatid niya sa magkakaibang ina. At naikuwento nito na may maganda pala silang pagpapalagayan.
Wala nga siyang set of friends mula bata siya. Kaya sapat na ang 16 ba o 18 parte ng pamilya at mga kadugo niya gaya sa ganitong mga pagkakataon.
Marami pang proyektong matutunghayan kay AJ. Kaya kahit magbibigay siya ng luwang sa pag-aaral niya, hindi naman niya iiwan ang pag-arte, lalo pa at ito ay Vivamax!
Sabi nga niya, “Atin ‘to!”