ni Ed de Leon
ANG akala namin, dahil sa kumalat na nga ang isa niyang self sex video noong araw kaya napahamak pa siya sa kanyang pinapasukang eskuwelahan, madadala na ang male newcomer.
Kaso talagang maluho siya sa kanyang buhay, at mahilig magpa-sosyal. Kaya naman abot-abot ang binabayaran niyang mga hulugan at utang. Kung paparating na ang araw ng bayaran, hinahanap na niya ang mga bading na interesado sa kanya.