Friday , November 22 2024
Ferdinand Topacio Dick Gordon Director Linconn Ong Mohit Dargani Pharmally

CA at Senado pinuna,
PHARMALLY EXECUTIVES NAKAKULONG PA RIN KAHIT WALANG KASO

HINDI naitago ni Atty. Ferdinand Topacio ang pagkadesmaya sa Senado at Court of Appeals (CA) sa ginagawa nitong pang-iisnab sa kaso ng dalawang Pharmally Executives na anim na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail nang walang kinahaharap na criminal case.

Sa isang mahabang tweet, inilabas ni Topacio ang sama ng loob sa patuloy na paglabag sa due process at kawalang pakialam ng Senado sa kalagayan nina Pharmally Director Linconn Ong at Pharmally Secretary Mohit Dargani, matapos sampahan ng contempt at ipakulong noong nakaraang taon sa isang Senate investigation ay hinayaan nang mabulok sa kulungan dahil abala ang mga senador sa pangangampanya.

“In the heat of the campaign, we seemed to have forgotten that my client, Mohit Dargani, has been languishing in jail with no charges, much less a crime committed, but due only to one Senator’s pride,” nakasaad sa tweet ni Topacio.

Sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson ay una nang nagsabing pabor silang palayain na ang dalawa dahil naka-recess ang Senado at  tapos na ang kanilang  imbestigasyon sa Pharmally mess ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagpapalabas ng clearance para sa kanilang paglaya si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Dick Gordon na may hurisdiksyon sa isyu.

Ayon kay Topacio, nagpasaklolo sila sa CA at naghain ng habeas corpus petition dahil sa illegal detention ngunit nakalulungkot na inupuan din ito nang ilang buwan ng appellate court, ani Topacio, para umusad ang kaso ay kinailangan pa nilang magsampa ng kasong administratibo at motion to inhibit laban kay CA 5th Division Associate Justice Apolinario Bruselas.

Matatandaan, naging kontrobersiyal si Bruselas nang tanging siya lamang ang bumagsak sa 7 kandidato na sumalang sa public interview ng Judicial Bar Council para sa inaaplayang posisyon  bilang Associate Justice sa Supreme Court, naungkat kasi sa nasabing public interview ang administrative case na kinahaharap sa Judicial Integrity Board at ang delay sa pagresolba sa mga hawak na kaso.

Sa kasalukuyan, nag-inhibit na si Bruselas sa habeas corpus case at nai-raffle sa CA 4th Division sa sala nina Associate Justices Ramon Bato, Jr., Rafael Antonio Santos, at  Lorenza Bordios.

Sinabi ni Topacio, umaasa silang maaaksiyonan na ang petisyon dahil hindi lamang ang kalagayan ng kanyang kliyente ang nakasalalay dito kundi maging ng pamilya.

“Now that the habeas corpus case is before the 4th Division, we hope that the justices therein will do what becomes them as judges and take immediate action as the petition involves basic liberties. Justice delayed is truly justice denied not only for the litigants, but for their loved ones who also suffer especially when the head of the family is unfairly imprisoned,” pagtatapos ni Topacio.

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …