Sunday , December 22 2024
RP-Mission and Development Foundation Inc RPMD

NCR incumbents liyamado sa survey — RPMD

KUNG gaganapin ang halalan ngayon, ayon sa poll na isinagawa noong 17-21 Abril 2022 ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa National Capital Region, mananalo ang mga kandidatong sina: Bongbong Marcos (President), Sara Duterte-Carpio (Vice-President), Joy Belmonte (Mayor-Quezon City), mag-utol na Toby Tiangco (Congressman) at John Rey Tiangco (Mayor) sa Navotas, mag-amang Oca Malapitan (Congressman) at Along Malapitan (Mayor) sa Caloocan, Ruffy Biazon (Mayor-Muntinlupa), Emi Calixto-Rubiano (Mayor), at Vico Sotto (Mayor-Pasig).

Ayon sa “Boses ng Bayan: NCR 2022” survey, 35% ng mga botante ang mas gusto si Bongbong Marcos bilang Presidente, habang 45% ang mas gusto si Davao City Mayor Sara Duterte bilang Bise Presidente.

Si Mayor Joy Belmonte, na ilang beses nang itinanghal na “National Capital Region’s Best Performing Mayor,” ay nanatiling frontrunner na may 65 porsiyentong suporta ng botante laban sa 33% ni Congressman Mike Defensor. Mataas ang lamang ni Belmonte sa pagkakilala, tiwala, at pagkakontento sa kanyang serbisyo sa lahat ng mga sektor ng lungsod. Umangat din siya dahil sa kanyang mga programang nagsusulong sa maliliit at lokal na negosyo’t kooperatiba, ayuda sa mga nawalan ng hanapbuhay, at pabahay.

“Very High Satisfaction” din ang marka niya sa patuloy na pagtugon ng kanyang administrasyon laban sa pandemya, lalo sa social welfare assistance, mga benepisyong medikal, at pagbabakuna.

Sa kabilang banda, lumabas na mababa ang trust at satisfaction rating ni Defensor, dahil sa kanyang kamay sa pagpapasara ng ABS-CBN, sa kanyang paninira sa kanyang mga kalaban, at sa pamimigay ng Ivermectin.

Tumatak din sa isip ng botante na mahilig mangako si Defensor ngunit kadalasan ay hindi natutupad, at tila hindi rin nila maramdaman ang tulong ng politiko bagaman siya ay nakaupong Kongresista.

Samantala, siguradong mananalo ang magkapatid na Tiangco sa Navotas City dahil buo na ang desisyon ng mga Navoteño na suportahan si Mayor Toby Tiangco (92 percent) para sa Kongreso at Cong. John Rey Tiangco (88 percent) para sa alkalde ng lungsod dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa kanilang kasalukuyang tungkulin bilang congressman at mayor, at nais ng mga botante na ipagpatuloy nila ang mga programa at proyektong nasimulan na.

Sina Gardy Cruz at RC Cruz ay nakatanggap lamang ng 6% at 9%, ayon sa pagkakasunod.

Sa Caloocan City, naranasan ng mga botante ang mahusay na serbisyo publiko ng Malapitan at naniniwala sila na kung muling mahahalal ang dalawa, mas mapabibilis ang mga programa at proyekto. Si Along Malapitan ay inaasahang mahalal na alkalde na may 80% ng boto, kasunod si Congressman Egay Erice na may 18%. Si Mayor Oca Malapitan naman ay siguradong uupo sa kanyang dating puwesto bilang Kongresista na may 92 porsiyento ng boto.

Si Ruffy Biazon, isang batikang mambabatas na naglingkod sa Kongreso mula noong 2016, ay inaasahang madaling talunin si dating Immigration Commissioner Marc Red Mariñas sa pagka-alkalde ng Muntinlupa City, sangkot sa kontrobersiyal na ‘pastillas scam.’

Nakuha ni Biazon ang 85% ng boto, habang si Mariñas ay nakakuha ng 13%.

Sa Pasig City, nakuha ni Mayor Vico Sotto ang 67% suporta ng laban kay Vice Mayor Iyo Bernardo, may 30%. Si Vice Mayor Honey Lacuna ay may 55% na nanguna sa Maynila laban kay dating congressman Amado Bagatsing (20%) at Alex Lopez (18%).

Sa Taguig City, lamang si Congresswoman Lani Cayetano na may 70% votes laban kay dating Congressman Arnel Cerafica na nakakuha ng 25% vote count sa karera.

Sa Marikina City, si Mayor Marcy Teodoro pa rin ang wagi na may 58% laban kay Congressman Bayani Fernando, may 38%.

Sina Mayor Abby Binay ng Makati City (95%), Emi Calixto-Rubiano ng Pasay (93%), Cong. Weslie Gatchalian ng Valenzuela (90%), , Imelda Aguilar ng Las Piñas (91%), Benjamin Abalos, Sr., ng Mandaluyong (88%), Ike Ponce III ng Pateros (88%), Francis Zamora of San Juan (85%) at Cong. Eric Olivarez ng Parañaque (78%) ay frontrunners sa 2022 mayoralty race at sinabing ‘naghihintay’ na lang ng kanilang oathtaking.

Samantala  si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon ay nakakuha ng  54% laban sa katunggali na si City Councilor Enzo Oreta 42%,  ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD.

Ang “Halalan 2022 NCR Survey” ay ipinatupad sa pamamagitan ng face-to-face interviews, at mayroong kabuuang 10,000 respondents na kinuha nang random mula sa 7,322,361 rehistradong botante sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, may margin of error mula 2.5% hanggang 3.0 % para sa malalaking lungsod, habang ang margin of error para sa maliliit na bayan na may 850 respondents ay 3.36 porsiyento.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …