PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
EXCITED at handang-handa na ang bagong all-girl group na Calista sa kanilang debut concert na Vax to Normalngayong gabi, April 26, 6:00 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.
Talaga namang nag-focus sa pag-eensayo para sa kanilang production numbers ang Calista na binubuo nina Anne, Olive, Laiza, Denise, Elle, at Dain para mapaganda ang kanilang concert lalo pa nga’t isa itong tribute concert para sa ating mga bayaning frontliners na matapang na hinarap ang matinding pagsubok ng COVID-19 pandemic.
“Celebrate a night of music and fun for a cause. We can not wait to hit the big stage. We invite you all to our debut concert entitled ‘Vax to Normal.’ This is our tribute to all frontliners. Marami kaming inihandang performances with our special guests. See you there!” paanyaya ng Calista.
Makakasama nila sa concert, produced by Merlion Events Production Inc., sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose.
Sigurado kaming masisiyahan at maaaliw ang mga manonood ng concert dahil talaga namang nag-uumapaw sa kagandahan, talento, at galing ang Calista, na una naming nasaksihan sa kanilang grand media launch nila noong March 8 sa Novotel Manila. Rito ay inilunsad nila ang kanilang debut single na Race Car, written and composed by Marcus Davis. Pati na ang music video nito produced by Merlion Events Production Inc..
Dito ay sinabi ng Calista na handa silang makipagsabayan sa iba pang girl groups sa industriya ngayon pero hindi sila nakikipag-compete sa iba. Ayon nga kay Olive, “Ang dami ng girl groups ngayon, actually, and we all have the same goal to be number one and we worked hard for the position that were given. But for Calista, I can say that we are on a league of our own. We don’t compete with others, we just compete for ourselves so that we’ll be able to grow and to catch the dream na pinapangarap namin talaga.”
Dagdag pa ng ibang miyembro, taglay nila ang passion at commitment upang magtagumpay sa industriya and to be on top.
Nagpapasalamat din sila sa kanilang mga pamilya, sa kanilang fans, sa manager nila na si Tyronne Escalante at sa Merlion Events Production Inc. dahil sa malaking suportang ibinibigay sa kanila upang maabot nila ang kanilang pangarap.