Sunday , December 22 2024

Ayuda “SAP” distribution sa Marikina, kinukuwestiyon

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MAYROON pa bang mga kababayan natin na hindi nakatanggap ng kanilang ayuda partikular ang SAP sa Marikina City?

Lahat naman siguro ay nakatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan naa pinamumunuan ni Mayor Marcy Teodoro.

Nasabi natin ito, kasi ang LGU ng Marikina ang isa sa pinakamabilis magbigay ng ayuda sa mga mamamayan ng lungsod noong pumutok ang pandemic sa bansa noong Marso 2020.

Hinangaan at kinainggitan pa nga ang pamahalaan lungsod sa agarang pagbibigay ng ayuda “relief goods” sa mga residente ng lungsod. At isa pa sa sinaludohan ay ang LGU ng Marikina City.

E sa ayuda na “Special Amelioration Program (SAP) mula sa national government na ipinamahala sa lokal na pamahalaan ang distribution, lahat ba ay nakatanggap ng P4,000 o mas mababa dito depende sa bilang ng katao sa isang pamilya?

Diyan sa Marikina, lahat ba ay nakatanggap? Marahil ang lahat ay nakatanggap. Magkano natanggap ninyo? P4,000? P3,000 o mas mababa pa dito. Depende kasi ito sa bilang ng inyong pamilya?

Pero ano itong mga nagkalat na fliers sa lungsod hinggil sa natanggap na SAP ng mamamayan dito, Kinukuwestiyon ang distribution ng SAP noong kasagsagan ng pandemic.

Ops, hindi naman nila sinasabing naibulsa ang SAP kung hindi, tinatanong kung saan napunta ang SAP na sobra? Sobra? Kasi po sa pagkakaalam ng nakararami ay P4,000 ang makukuha ng isang pamilya pero, may nakatanggap ng P3,000 at P1,000. Totoo iyan, ito ay dahil magdedepende ang pagbibigay sa bilang ng miyembro ng pamilya.

Kung apat katao o higit sa isang pamilya, P4,000 ang matatanggap habang kung tatlo lang naman ang miyembro ng pamilya ay P3,000. Actually, mayroon ngang nakatanggap ng P1,000. Meaning, mag-isa lang siya sa bahay.

Sinasabing ang kabuuan ng SAP para sa Marikina mula sa national government ay P384 milyon na ipinamahagi ng tig-P4,000 para sa 96,000 pamilya sa lungsod. Pero may mga nakatanggap ng P3,000 habang may mga nakatanggap ng P1,000. Teka, totoo nga bang mas marami ang nakatanggap ng P1,000? So, ibig sabihin ba nito ay mas marami ang walang pamilya o anak sa Marikina?

Ang tanong ngayon ng mamamayan ay nasaan napunta ang ibang budget o SAP lalo na iyong mula sa mga nakatanggap ng P3,000 at P1,000? Iyan lang naman ay kung mayroon? Lamang, nakaaawa naman ang mga tumanggap ng P1,000 imbes P4,000. Paano kaya naka-survive ang mga P1,000 ang natanggap?

Matatandaan na noong nakaraang taon, ilang residente sa Marikina City ang nagsagawa ng protesta at nananawagan ng ayuda dahil marami sa kanila ang wala sa listahan ng mga benepisaryo, may ilan namang naglabas ng kanilang sentimiyento sa Twitter at nagsabing hindi lahat ay naabutan ng ayuda lalo ang mga nasa malayong lugar.

Teka, ano ba ang naging basehan ng national government sa kuwentahan ng P4,000 per family mula sa halagang P384 milyon?

In fairness kay Mayor Teodoro, mayroon nga bang sobra sa SAP na mula sa mga nabiyayaan lang ng P3,000 at P1,000? Nagtatanong lang tayo Sir Mayor Teodoro at hindi nag-aakusa.  Handa po namin pakinggan ang inyong paliwanag o panig Ginoong Alkalde. Pero iyan lang naman ay  kung totoong mayroon sobra.

Pero tiyak naman siguro na kung mayroon sobra ay malamang naibalik na ito ng Marikina LGU sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).  At siyemprre sa pagbabalik ay nag-isyu naman siguro ang DSWD ng “resibo” o dokumento na patunay na natanggap nila ang sobra mula sa Marikina LGU.

Ngayon, 11 araw na lang para election day na. Abalang-abala ang mga local official sa kanilang pangangampanya…at malamang sa malamang, ang isa sa ibinibida ng mga kandidato ay ang kanilang mga nagawa ngayong pandemya — ngunit bakit sa Marikina City ay kinukuwestiyon si Mayor Teodoro kaugnay sa SAP? Well, halalan kasi. Iyan ang tamang kasagutan pero Mayor, maganda siguro kung linawin ninyo ang katanungan o pagdududang ito — kung may sobra man o wala. O hindi kaya kung mayroong sobra ay ibinalik n’yo naman sa DSWD with matching resibo o dokumento mula sa DSWD na tinanggap nila ang inyong ibinalik.

‘Ika nga, ang naging karanasan nitong pandemic ay itinuturing na “crucial” ngayong Mayo 2022 election dahil ito ang maaaring magpabagsak sa isang kandidato lalo na iyong mga walang nagawa habang sa mga mayroong nagawa, ito ay mag-aangat naman sa kanyang kandidatura.

Kaya kayong mga kandidato, magdahan-dahan sa pangangampanya at pagmamalaki kung anong nagawa ninyo sa kasagsagan ng pandemya at baka kayo ay balikan ng mga botante lalo na kapag hindi totoo ang inyong mga iniyayabang na accomplishments.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …