Wednesday , January 8 2025
Rida Robes Bongbong Marcos Sara Duterte

Malaking tagumpay ng Uniteam sa SJDM tiniyak ni Robes

TINIYAK ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes ang malaking tagumpay na makakamit nina dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang lungsod sa darating na halalan sa 9 Mayo.

Malugod na tinanggap ni Robes, kasama ang asawang si SJDM Mayor Arthur Robes si Duterte sa pagbisita nito lamang Sabado para sa kanyang pangangampanya na “Sara para sa Barangay” kung saan sinalubong siya ng mga lokal at sektoral na opisyal sa Bulacan.

“They will win because in our survey BBM is at 61 percent, Mayor Inday is 53 percent. There is no doubt that they will win because they have the people’s support. You just can feel it and they openly show their support to the UniTeam. More than 80 percent will vote here. They will win overwhelmingly here,” pahayag ni Robes.

Nauna nang nakipagkita si Robes kay Marcos sa kanilang headquarters sa Mandaluyong City noong nakaraang Biyernes kung saan ipinangako ng mambabatas ang buo niyang suporta sa dating Senador na aniya ay mahusay na lider at may magandang kalooban.

“Alam natin kung ano ang kailangan ng tao. You have a good heart. You can really lead the country. All we have to do is support you, to let the people vote for you. For all of us here in our own districts, we have to make this campaign real,” wika ni Robes kay Marcos.

Kaugnay nito, sinabi ni Robes na nangako ng suporta sa BBM-Sara UniReam ang 12 alkalde sa lalawigan ng Bulacan kung saan 13 rito ang lumagda sa manifesto ng kanilang pagsuporta kina Marcos at Duterte.

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto sina mayors Arthur Robes ng SJDM, Eladio Gonzales, Jr., ng Balagtas, Jose Santiago, Jr., ng Bocaue, Francis Albert Juan ng Bustos, Ricky Silvestre ng Marilao, Mary Ann Marcos ng Paombong, Roderick Tiongson ng San Miguel, Cipriano Violago, Jr., ng San Rafael, Raulito Manlapaz ng Hagonoy, Edwin Santos ng Obando, Russel Pleyto ng Sta. Maria, Narding de Leon ng Angat, Ferdie Estrella ng Baliuag, at Vergel Meneses ng Bulakan.

About hataw tabloid

Check Also

Ma. Thea Judinelle Casuncad

Miss Laguna wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2024

RATED Rni Rommel Gonzales NAKU Mareng Maricris Valdez, proud kami dahil tulad namin ay taga-Laguna …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …