Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Biktima ng heat stroke nailigtas ng “Krystall”

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

 Sobrang init po ang panahon ngayon, mabuti na lang nga at nasasalitan rin ng pag-ulan.

 Pero hindi maganda ang naidulot nito sa aming kapitbahay noong isang linggo. Pero sa pamamagitan ng mga turo ninyo Sis, Fely Guy Ong, naisalba namin ang buhay ni Mang Roger, isang jeepney driver sa lugar namin sa Pasay City.

 Ako nga pala si Cecille Duquitan, 43 years old, dating nagtatrabaho sa isang computer company kaya kahit paano po ay may pagka-techie ako.

 Last week (Holy Week), habang ako’y nakapanungaw sa aming bintana, nakita kong bumagsak ang kapitbahay naming si Mang Roger, dahil nakita kong walang lumalapit sa kanya, dali-dali po akong lumabas, habang nasa bulsa ang maliit na Krystall Herbal Oil.

 Nilapitan ko si Mang Roger, inalalayan kong makaangat sa kanyang pagkakatumba saka pinaupo. Habang nakaupo, tsinek ko ang kanyang kuko at iba pang pagkikitaan ng senyales kung siya ay na-stroke.

 Ang ginawa ko po, hinaplos-haplos ko siya ng Krystall Herbal Oil leeg, sa braso, sa likod ng mga tainga, tinawag ko rin ang kanyang anak at ipinahaplos ko ng langis ang kanyang tiyan hanggang sa puson, sa likod, hanggang sa mga binti.

 Habang ginagawa namin ang paghahaplos ng Krystall Herbal Oil, nakita kong tumatagaktak ang pawis ni Mang Roger at parang nakita ko rin na unti-unting bumabalik ang kanyang kulay na noong una’y parang binuhusan ng suka.

 Pagkatapos biglang umubo si Mang Roger at ‘yun bigla nang guminhawa ang kanyang paghinga.

 Pinainom namin si mang Roger ng kaunting mainit na tubig hanggang tuluyang bumalik ang kanyang normal na blood pressure.

 Natuwa po ako noong oras na iyon, dahil naisip ko, sa pakikinig sa programa ninyo sa radyo ay nakapagligtas ako ng isang buhay.

 Maraming salamat po Sis Fely.

CECILLE DUQUITAN

Pasay City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …