Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree Piolo Pascual

Sheree, dream maging director at idirek si Piolo Pascual!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang napaka-seksing si Sheree dahil dahil tuloy-tuoy ang ibinibigay sa kanyang projects ng Viva.

Nakangiting saad niya, “Happy po ako na tuloy-tuloy ang mga project ko sa Viva. After nitong Island of Desire, starring Christine Bermas, marami pang naka-line-up na projects.

“Like, kasama po ako sa guest on Flower of Evil, na siyang bagong movie with direk GB San Pedro naman, palabas na siya sa Vivamax this coming April 23.”

Nabanggit ni Sheree na wish niyang maging director din, someday.

Wika ng former Viva Hot Babe member, “But of course, gusto ko pa pong mag-grow as an artist and mas maging malawak pa ang experience ko as an artist. Kaya balang araw ay gusto kong maging isang magaling na director.”

Sino’ng actors ang type niyang idirek, kung sakali? “Si Papa P! Whaaa…!” Patiling tugon ni Sheree. “Dream lang naman po, hahahaha!” nakatawang wika pa niya.

Dagdag pa ni Sheree, “Kasi sa totoo lang, napapanood ko ang mga movies ni Piolo Pascual and siyempre magaling na aktor si Papa P, bonus na lang yung yummy talaga siya, hehehehe! Pero siyempre crush ko rin si Ian Veneracion, kaya siya rin, gusto kong maidirek.

“Kaya lang ang problema, baka hindi ako maka-concentrate, kapag ididirek ko silang dalawa, hahahaha!”

Sa mga hindi aware, si Sheree ay isang multi-talented artist. Bukod sa pagiging aktres, siya ay singer, composer, pole dancer, painter, at Disc jockey.

Incidentally, nag-birthday si Sheree last April 20, kaya binabati namin siya ng Happy, Happy Birthday!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …