Sunday , December 22 2024

 ‘Small fish’ lang kayang bingwitin ng Senado

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA TUWING may Senate inquiry, nakabibilib ang nakararami sa mga mambabatas natin. Bakit? Paano kasi, ipinakikita nilang siga o makapangayihan sila – kasi nga naman ipinaaaresto at ipinakukulong nila ang mga isinasalang na hindi nakikiisa sa kanila o ayaw kumanta.

Ang tanong nga lang e, hanggang saan ang abot ng kamay ng kasigaan ng Senado? Ibig kong sabihin, kaya ba nilang magpakulong ng mga ikinokonsiderang maimpluwensiyang akusado, lalo na kapag may kapit sa itaas? Teka baka naman hanggang maliit na isda lang ang yakang-yaka nila.

Ano sa palagay ninyo mga suki?

Tulad nitong makontrobersiyal na senate investigation nitong nakaraang taon – pagdinig sa overpricing (daw) sa pagbili ng COVID materials ng Pharmally Pharmaceuticals Inc. Sa pagdinig, maraming iniutos ang Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Senador Dick Gordon, parusahan matapos sampahan ng contempt dahil sa ilang ulit na pagbabalewala sa hearing. Iyon bang hindi sila dumalo sa pagdinig.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng bayan, na isa sa kasama sa iniimbestigahan na maituturing na ‘malaking isda’ sa Pharmally mess ay si Rose Nono Lin, ang corporate treasurer at incorporator ng Pharmally Biologicals Incorporated na iba sa  Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Nabuko sa hearing na si Lin ay close business associate ng dating adviser ni Pangulong Duterte na si Michael Yang, ang financier at guarantor ng Pharmally Pharmaceuticals.

Kung susuriin, lumalabas na malalim ang koneksiyon ni Lin kay Yang dahil ang asawa nito na si Lin Weixiong, ay  associate din ni Yang na nagsimula ng POGO  business (Philippine offshore gaming operator) na Xionwei Technology Company.

Hayun, dahil nga sa pang-iisnab sa ‘poging’ gaya ni Gordon, ipinaaaresto ng mambabatas sina Lin at Yang. Nadakip ba? Hindi pero, hinanap naman ng awtoridad.

Iyon nga lang, tila hindi umubra ang kasigaan ng komite kay Lin. Aba’y sa pamamagitan lang ng isang liham ng mga abogado ni Lin na may gastric illness ang kanilang kliyente, e agad na kumambiyo si Gordon. Hehehe, nawala ang ‘kasigaan’ ni Gordon at sinabing bilang humanitarian consideration ay kinansela ang pag aresto kay Lin. Hahaha…paano kaya kung maliit na isda si Lin, ikokonsidera rin kaya ng komite ang “excuse slip” nito? Hehehe better bring your parents.

Nasaan na ngayon si Lin? Si Lin, hayun for your information Mr. Senador Gordon, si Lin ay abalang-abala sa pangangampanya para sa nalalapit na eleksiyon at…higit sa lahat ay walang sakit. Oo, tumatakbo kasi ito bilang Congressman ng 5th District ng Quezon City.

Katunayan nga e, kamakailan lamang, sinampahan ng kasong vote buying si Lin sa Commission on Elections (Comelec) kasama ang 16 iba pa dahil sa pamimigay (daw) ng P500 sa mga botante na sinasabing ayuda o scholarship. Totoo ba itong akusasyon sa inyo Congressman Lin? Hehehe…kita n’yo naman, mambabatas na kayo sa inyong lingkod. Ayos ba? Hahahaha asar po ba?

Ano pa man, wala pang sagot si Lin sa vote buying allegation pero ayon kay Comelec Commissioner George Garcia ay magpapalabas na ng subpoena ang poll body ukol sa inihaing reklamo.

Bukod kay Lin ay off the hook na rin si Yang sa Pharmally mess na ngayon ay nasa Davao at nakikitang naglalaro ng golf.

Kung off the hook  na ang mga big fish ng Pharmally ay nakakulong naman ang mga ‘small fish,’ sina Pharmally Secretary Mohit Dargani at Pharmally Director Linconn Ong na kapwa hindi nang-isnab ng Senate hearing, matapang na humarap sa mga senador para sagutin ang mga tanong ang siyang ipinakulong at kinasuhan ng contempt.

Mula noong Nobyembre ay nakakulong ang dalawa sa Pasay City Court, ipinaglalaban ng kanilang abogado na mapalaya sila dahil tapos na ang imbestigasyon ng Senado sa Pharmally mess kaya wala nang dahilan para sa  patuloy na pagkakadetine sa kasong contempt ngunit tila bingi si Sen. Gordon sa kanilang apela.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …