Sunday , December 22 2024

Gordon wala sa Magic 12 dahil (ba) sa tirada ni Digong?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

LIFESTYLE CHECK, kadalasan ang nakakaladkad sa ganitong uri ng imbestigasyon ay ang mga pangkaraniwang kawani o opisyal sa isang ahensiya ng pamahalaan lalo kung kuwestiyonable ang pamumuhay nito — iyon bang biglang yaman o pagkakaroon ng maraming ari-arian sa kabila ng mababa lang naman ang suweldo.

Siyempre, saan pa nga naman nanggagaling ang mga ito kung hindi sa…sa ano? Pagna…ops kayo ang may sabi niyan ha, hindi ako. Hehehe.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na kapag may ibinuking na mga kawani o opisyal kaugnay sa kanilang kuwestiyonableng yaman, isa sa unang umeepal para sa imbestigasyon ay ang Senado. Tama! Oo, isalang na iyan sa senate investigation!

Diyan kayo magaling! Samantala ang dapat na trabaho ninyo ay gumawa ng batas na pakikinabangan ng bayan. Hindi iyong nagpapapogi sa pamamagitan ng kung ano-anong imbestigasyon.

Sa pag-iimbestiga, makikita ang ilan sa mga Senador na nagmamalinis — kinukuwestiyon ang ‘magnanakaw’ daw. E ang totoo naman pala, ang ilan sa miyembro ng probe body ay nagtatago lang din sa komite. Gets niyo ba ang ibig kong sabihin? Yes, akala mo’y talagang malinis o walang kuwestiyonableng asset.

Iyon na nga e, kadalasan ay bulag ang pubiko pagdating sa lifestyle ng mga senador. Paano po kasi, sila ang nag-iimbestiga kaya inakala ng mga mamamayan ay malinis ang ilan sa mga Senador.

Kamakailan o masasabing hanggang ngayon ay nagtitirahan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Dick Gordon. Nagsimula ang kanilang patutsadahan nitong nakaraang taon lalo nang akusahan ni Gordon ang Pangulo sa pag-aabogado sa mga kinukuwestiyong sangkot sa Pharmali purchases.

Talagang nagsasagutan ang dalawa…at sa mga tirada ni Duterte laban kay Gordon, maraming impormasyon ang naungkat at nabuking hinggil sa Senador.

From the horse’s mouth itself, sinabi ni Pangulong Duterte, makikita ang estilo ng pamumuhay ni Gordon na matagal naging mayor ng Olongapo, SBMA Chairman at Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Isa rito sa ibinuking ni Pangulong Duterte ang pagsusuot ni Gordon ng “Rolex” habang si Duterte naman ay pinuna nhi Gordon nang pumasok sa luxury watch store sa Makati Mall pero hindi naman ito nagsusuot ng mamahaling relo. Gets n’yo ba ang comparison. Si Duterte ay pumasok lang sa tindahan habang si Gordon ay laging nakasuot ng Rolex. E magkano ba ang Rolex ngayon? Nagkakahalaga lang naman ng P400,000 hanggang P2.5M. Napakamura lang naman pala e.

Si Sen. Gordon ay nakikitaang sumasakay sa Cadillac Escalade SUV na nagkakahalaga ng

P17-M…kunsabagay, sumakay lang naman e, pero gaano naman kaya katotoo na siya ay may ilang luxury vehicles na ginagamit?

Sa patuloy na bukingan blues, totoo kaya na si Gordon ay mayroong ilang condominium units sa Pacific Plaza sa BGC, Taguig. Ang mga condo unit sa Pacific Plaza BGC ay nagkakahalaga ng P90-M hanggang P250-M sa kasalukuyang presyohan. ‘Ika nga daw…pero ang tanong ko naman ay totoo kaya na ang isang condo ay ginagamit ngayon ng kanyang anak na babae?

Heto pa ang ibinuking ni Duterte, ano iyon? Ano lang naman…P86 million. Wow, ang laking tulong niyan para sa mga nasalanta sa Leyte ha. Oo, pinababalik ni Pangulong Duterte kay Gordon ang P86-M Notice of Disallowance nito nang siya ay SBMA Chairman, ang halaga ay base sa komputasyon ng Commission on Audit. Ganoon ba? Aba’y ibalik na iyan para sa mga nasalanta ni bagyong Agaton.

Katunayan, mayroon nang pinal na desisyon ang Korte Suprema ukol dito noon pang 2016 ngunit hindi pa naibabalik ang disallowance. Hala, ipamigay na iyan kay Juan dela Cruz o naipamigay na? Election period ngayon, alalahanin. Nagtatanong lang po ako ha at hindi nag-aakusa. Pero totoo ba Mr. Senador Dick ang P86-M notice of disallowance?

Sa pagtatalo nina PRRD at Gordon, nanawagan sa publiko si Duterte na huwag iboto ang reelectionist senator na sangkot sa ilang anomalya kabilang ang pagtanggap ng P8-M pork barrel funds.

Ibinuking noon ni pork barrel queen Janet Lim Napoles na binigyan niya si Gordon ng P8M para sa 2010 campaign funds na inihatid pa mismo sa kanyang unit sa 36-C South Pacific Garden Unit Pacific Plaza.

Pero ang lahat naman ay pinasinungalingan ni Gordon. Kung baga,hindi totoo ang pinagasasabi ni Napoles.

Pero mukha yatang marami ang naniniwala kay Duterte ha, aba’y malakas pa yata ang hatak ng tanders sa mga botante.Bakit? Hayun, sa pinakahuling senatorial survey ay hindi pumapasok sa Magic 12 si Sen. Gordon samantalang sa Pulse Asia survey ay maraming reelectionist senators ang pasok pa rin sa Magic 12.

Naku po, bakit kaya wala si Gordon sa Magic 12, natauhan na ba ang publiko dahil sa tirada ni Digong laban sa kanya? Abangan at malalaman iyan sa Mayo 2022.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …