Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rash Flores Benz Sangalang Massimo Scofield Tres Barakos

Rash, Benz, at Massimo pang-aksiyon ng Viva

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TRES barakos! 

‘Yan ang gustong ipagmalaki ng talent manager na si Jojo Veloso sa mga artist na ipinapasok niya sa Viva, kay Boss Vic del Rosario, na kaliwa’t kanan ang mga pelikulang isinasalang sa Vivamax.

Si Rash Flores ang gustong i-groom nina Boss Vic at Jojo bilang action star. Pero isinalang muna siya sa mga sexy scene ilang pelikulang ginawa niya.

Sa maraming pagkakataong natsitsika ng press si Rash sa Zoom, hindi naikaila na marami sa mga ito ang nakasaksi na sa klase ng pag-arte niya. Kaya pati ang direktor niya sa Island of Desire na si Joel Lamangan eh, nagkaroon ng paghanga sa klase ng pagganap ng aktor. Kumbaga, naibigay niya ang inasahan sa kanya. BL movie kaagad ang nasalangan  Rash noong  2021 sa Jojowain O Totropahin kaya nahasa na siya sa harap ng kamera.

Si Rash ang rason, kung bakit naisip ni Boss Vic na makasama niya sina Benz Sangalang at Massimo Scofield para mabuo ang Tres Barakos.

Masasabi na ngayon na wala ng pahinga ang tatlo sa sunod-sunod na mga proyektong iniaatang sa kanilang mga balikat. Lalo pa at sa numero uno na sa online viewing ang Vivamax.

Masuwerte si Rash dahil isang Lamangan at Brillante Mendoza na ang nakahawak sa kanya at naggiya sa pag-arte.

Matutupad na ang pangarap ni Rash na  masalang sa mga maaaksyong eksena sa pelikula.

Nakalinya na ang mga pelikula ng Viva Films na sinalangan na noon ng mga alaga ni Lino Brocka, na gaya nina Philip Salvador at Christopher de Leon sa aksyon. Idagdag pa ang mga ginawa nina Ace Vergel, Robin Padilla, Rudy Fernandez and so forth.

At maski ang dalawa pang Barakos ni Mudra Jojo ay pinaghahandaan na rin ang pag-aaral ng martial arts gaya ni Rash. Para nga raw pasok na pasok sila sa anumang role na kailanganin ng Vivamax.

Unti-unting umuusad ang dalawa. Sa pa-sexy pa rin si Benz. Dahil isang Joey Reyes naman ang hahawak sa kanya sa Secrets.

Si Massimo ay nasa Island of Desire na rin.

What makes a good action star? ‘Yan ang goal ng Tres Barakos soon!

Pero lahat daraan muna sa patakam sa mga manonood. Of what they have to be called actors in the future. 

Nagpa-sexy din ang mga binanggit naming aktor ng kanilang panahon. Nasusundan ba nila ‘yun? Lalo na kung akting ang pag-uusapan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …