I-FLEX
ni Jun Nardo
HATAW sa endorsements talaga ngayon si Marian Rivera. Matapos kunin ng Kamiseta bilang face of Kamiseta Clinic, heto’t muli siyang kinuha para sa Kamiseta Blancare Lotion ni Pinky Tobiano ng Kamiseta.
“The contract is quite long. We’re very excited working with Marian for the first time. We’re both happy she’s working for the Skin Clinic and now, for Blancare,” saad ni Miss Pinky sa presscon sa Manila Peninsula Hotel.
Sa okasyong ‘yon, personal na nag-request si Marian sa ilang entertainment press at fans na present.
“Sobrang tuwa ko at flattered dahil may may-ari na sobrang nagtitiwala sa ‘yo! Sabi ko nga, ginamit ko muna ‘yung lotion bago nila ako napa-oo. Kaya ako nandito, naniwala ako sa lotion.
“Kilala naman ninyo ako, ‘pag hindi ko gusto, hindi ko gusto. Isa ito sa ginagamit ko!” pahayag ni Yan.
Balik TV na rin si Marian. Magkasama sila ng asawang si Dingdong Dantes sa sitcom ng GMA na Jose and Maria’s Bongga Villa na mapapanood na simula sa Mayo 14 sa primetime.