GUSTO ni Alexander Volkanovski na matandaan siya bilang isa sa pinakamagaling na featherweight champions sa kasaysayan ng UFC, at nasa tamang daan siya para makamtam ang pangarap.
Pagkaraang gibain niya si Max Holloway nang dalawang beses sa loob ng pitong buwan, ang Australiano ay napanatili ang kanyang korona laban sa pangunahing kontender na si Brian Ortega sa UFC 266 nung Setyembre.
Ang susunod na asignatura ni Volkanovski ay idepensa ang hawak na korona sa tinaguriang “Korean Zombie” sa UFC 273.
Laban kay Holloway, ipinakita ni Volkanovski na kayang-kaya niya ang dating kampeon sa dalawa nilang naging laban.
Ang limang pulgadang kalamangan sa taas ni Holloway ay nabalewala dahil sa agresyon ni Volkanovski para yumuko siya sa laban sa una nilang paghaharap via unanimous decision.
Sa kanilang rematch, bumagsak ng dalawang beses si Volkanovski na inaakala nang mga nakasaksi na makakabawi si Holloway pero nag-switch ng taktika ang kampeon para dominahin sa nalalabing rounds ang challenger.
Si Volkanovski na may taas lang na 5-foot-6 ay dating semi-pro forward ng rugby league—ang posisyon na nararapat lang sa malalaking tao—pero ipinakita niya na hindi sagabal ang taas dahil tinanghal siya bilang isa sa pinakamagaling sa nasabing area.
“[His opposition was] three times bigger, and he was the best in the whole league,” sabi ni Hetet. “These guys are heavyweights like Brock Lesnar.
“Alex would just carry blokes. He would always fend a player off. He was unbelievable. If he had an extra foot, he would definitely be in the [National Rugby League].
“He didn’t give a f*** about how big people were. He would just run the ball all day. He had no fear, no matter how big they were. And even if someone twice the size of him started picking on him or tried to fight him, he would clean them up. You wouldn’t want to pick a fight with him, no matter how big they were.“There was a guy named Shrek who was probably the biggest in the league. Almost 7 foot and 150 kilos. He and Alex ended up having a bit of a scuffle, a bit of a fight. Because Alex was so short, he had to jump up to try to punch him in the head.”
Pagkaraang maging hari sa UFC 245, naharap siya sa mga kilalang matitinding fighter katulad nina Chad Mendes at Jose Aldo pero naging no match ang dalawa sa bagsik ni Vokanovski.
Pagkaraang kumuha siya ng MMA training para mamentena ang fitness sa pre-season, ang dating Greco-Roman wrestler ay simulang mapamahal sa sport at ang sumunod ay ang makasaysayan niyang career patungo sa world title.