Saturday , April 26 2025
Full Circle Lab Philippines FDCP

Mga kalahok sa Full Circle Lab Philippines inilabas na 

IBINANDERA na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Tatino Films ang listahan ng mga kalahok para sa ikaapat na edisyon ng development program na Full Circle Lab Philippines (FCL PH) na nagbabalik sa pinakaunang onsite event nito matapos ang dalawang taong pagdaraos online. Gaganapin ito sa Cebu,   Abril 26-30. Lalahok sa  lab ang 15 projects at 11 talents, kasama ang 11 na international industry mentors ng Tatino Films.

Dalawampu’t anim ang kalahok mula sa Pilipinas at iba pang bansa mula sa Timog-Silangang Asya sa ikaapat na edisyon ng FCL PH—12 projects na nasa development stage para sa Fiction Lab;  walong emerging producers sa Creative Producers Lab; tatlo sa ika-unang edisyon ng Story Editing Lab;  at tatlong feature-length films na nasa editing stage para sa First Cut Lab.  

Sa Fiction at Story Editing labs, ang mga napiling kalahok ay magkakaroon ng group sessions na pag-uusapan ang bawat proyekto at magpapalitan ng mga palagay ang mga kasapi ng grupo. Magkakaroon din ng one-on-one session ang bawat isa kasama ang mentors upang pag-usapan ang development at production ng kanilang mga proyekto. Sa Creative Producers Lab, ang walong kalahok at ang kanilang mga mentor ay magpopokus sa iba’t ibang aspekto ng producing.  

Ibinahagi ni FDCP Chair at CEO Liza Diño ang kanyang kasiyahan sa pagbabalik ng onsite FCL PH labs at sa panibagong slate ng mga kalahok na proyekto ngayong taon, “For two consecutive years, FCL PH was held online due to the ongoing global health crisis. We did not allow the pandemic to deter us from catering to the training and development needs of our filmmakers and answering to the demands of the ever-changing film industry. We continued to offer new labs and made more room for projects to develop through mentorship. This year, FCL PH moves back onsite and we are thrilled to welcome the participants with a diverse lineup of projects.”

Since 2019, FCL PH has helped develop a total of 61 projects and talents from the Philippines and our neighboring countries in Southeast Asia—aligned with our goal in making the country a creative hub for filmmaking. The program does not only aim on developing world-class content but is also centered on nurturing promising talents from the region. As we move forward to another exciting edition, we hope that the participants’ journey with FCL PH will further aid them in discovering their distinct voice, elevate their skills, and open more opportunities for them in the future,” dagdag niya.

Sinabi naman ni FCL PH Program Manager Ron Jiselle Lacerna, “The labs had to be held virtually for the past two years as a concession to the pandemic, but we at FCL PH used that time to plan and work towards making a bigger and better lab this year as we return as an in-person event. The return of onsite labs  will give our filmmakers an opportunity to expand their networks and hear diverse perspectives from our international roster of participants and mentors. The whole team is excited to meet this batch of filmmakers for the edition. I believe this is one step closer to the goal of creating a synergy among the filmmakers and becoming Southeast Asia’s creative hub.”

Kasama ng FDCP, ang FCL PH na pamunuan nina Matthieu Darras at Izabela Igel. Layon ng programang ito na makatuklas at makapaglinang ng mga bagong talento mula sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya, at masuportahan ang mga malikhaing proyekto ng mga ito upang makamit ang antas ng  pang-internasyonal na kalidad sa pamamagitan ng mga film labs.

Entering now on its 4th edition, FCL PH has become a steady point of reference for the Philippine and Southeast Asian audiovisual industries. Professionals of the region can rely upon a safe space where they can develop or finalize their film projects, and where they can also enhance their storytelling and production skills. FCL PH aims to offer a stimulating international environment, where a diverse range of projects are welcome. Newcomers and experienced filmmakers, arthouse and more commercially-driven projects, are given the same level of attention and care by our mentors,” ani Darras.

Labing-isang industry professionals mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magsisilbing mentors sa apat na labs ng FCL PH. Ang mga script consultants na sina Helen Beltrame, Mmbathou Kau, at Ayman El Amir ay mentor sa Story Editing Lab at sa Fiction Lab, kasama ng mga prodyuser na sina Izabela Igel, Meiske Taurisia, at Olga Zhurzhenko.

Kasama rin sa listahan ng mga mentor ang editor consultant na si Benjamin Mirguet,  ang editorial advisor na si Wim Vanacker para sa First Cut Lab, at ang mga producer na sina Weijie Lai at Juraj Krasnohorksy para sa Creative Producers Lab.  

About hataw tabloid

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …