ni Ed de Leon
NAGULAT din ang isang gay movie writer. Magka-chat kasi sila ng isang “come backing male star” at sa kanilang pagpapalitan ng mensahe, sinabi niyon na kailangan niya ang tulong ng gay movie writer. Kaya lang baka hindi naman niya kayang bayaran iyon. Dahil kaibigan naman niya, sinabi raw ng gay movie writer na “hindi naman kita
sisingilin.”
Nasindak din siya sa sagot ng male star, “salamat po Tito, ang bait ninyo sa akin. Basta po may kailangan o ano man ang gusto ninyo, ok lang ako kahit na ano pa iyan.” Nag-isip din ang gay movie writer kung tama ang kanyang pagkakaintindi, o malisyoso lang siya, pero mukhang may laman nga ang sinabi ng male star.